Author's Note:
Humingi po ako ng paumanhin sa mga typos at kung ano pamang aberya dahil sa kagagawan ng wattpad. Opo! Ang wattpad po! Joke only. Yung app ko po kasi ang tigas-tigas parang ako, kaya mga mga nangyayaring aberya. Jusko!
Pero......
Nandito na ang Point Of View ng the one and only Mr. Marcos Cortel.
Entry No. 6
- Marcos Cortel Point Of View -
Shit! Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko na alam kung ano pa ang mga bagay na dapat kong gawin para lang madistract na gustuhin siya, dahil kahit anong gagawin ko hindi ko mapigilan ang humanga sa kanya.
Isa lang naman ang magagawa ko, ang utusan siya ng walang humpay para magalit siya sa'kin. Pero wala, hindi siya nagagalit sa'kin kahit ano pang gawin ko o iutos sa kanya. Tanging takbo, abot, at bigay lang ang ginagawa niya. Doon niya ako napahanga dahil siya lang 'yung tumatagal sa'kin na P.A ko.
Nung nalasing ako, ipinatawag ko siya para malaman ko kung may pakialam ba siya sa'kin. Dumating naman siya pero pagod na ako nun kaya nakatulog ako sa taxi, dahil na din sa alak na nainum. Pero kinabukasan paggising ko ay nandun siya sa kwarto ko, nakahiga sa sofa. Kinumutan ko at nilagyan ng unan ang likod ng ulo niya.
Doon ko napagmasdan ang mukha niya. Ang ganda niya talaga, walang ka-make up, make up. Simply lang siyang babae pero napakaganda niya para sa'kin.
Kaya heto na naman ako ngayon, inuutusan siya.
"Annieee!" sigaw ko agad naman siyang dumating.
"Yung damit kong gagamit mamaya." sabi ko sa kanya nang nakatuon lang sa laptop ang atensyon ko.
"Nakahanda na po Sir Marcos." sagot naman niya. Umupo siya sa couch, kita ko sa gilid na aking mga mata.
"Yung sapatos."
"Handa na rin po."
"Yung bag pack."
"Kalma lang Sir Marcos, okay?" sabi niya ng ikinilos pa ang mga palad sa ere na sinasabing kalma. "Everything is already set." dagdag pa niya.
Lihim akong napangiti at tumahimik nalang habang nagbo-browse sa laptop.
Biglang sumagi sa isip ko na, hindi puwede itong nararamdaman ko sa kanya. Mali. Kaya habang maaga pa ay pinipigilan ko na ang mahulog ng tuluyan sa kanya.
Hindi na pwede ulit.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Pero Hindi Pwede!
HumorMahal kita, pero hindi pwede! -- Bakit nga ba???? This story is a work of my imaginative mind. The characters, organizations, and events portrayed in this story are only a product of the author's imagination. Any resemblance to an actual incidents...