Author's Note: Bigyan natin ng Point of View ang Bakletang Taxi Driver na kinaiinisan ni Annie. Kilalanin natin siyang maigi. DITO LANG SA TV PATROL!! Charught! Hahaha
Mag-enjoy kayo mga kuys!!
Entry Number Nine
- Sammil Vhanz Point Of View -
"Hoy mga bakla! Tagay na!"
sabi ng kaibigan kong bakla habang itinataas pa ang bote ng alak. "Oh? Ikaw Mil? Tagay oh." binigyan niya ako ng isang bote ng san mig agad ko namang tinungga 'yun.
"Oh! Bakla! Hinay-hinay lang. Hindi tubig 'yan ha? Beer yan, beer!"
sabi nito sa'kin. Hindi ko 'yun pinansin, nang mangalahati na ay agad na akong tumigil at inilapag sa mesa ang bote.
"Anyari sa besh?" tanong nito sa'kin.
"Wala shukla! May iniisip lang."
sagot ko sa kanya, hindi ka kasi titigilan niyan kakatanong. Kinuha ulit ang bote na ininuman ko kanina at itinaas.
"Tagay pa mga besh."
sigaw ko at tinunga ulit ang bote. Hindi ko ibinababa hanggat hindi ko nauubos. Nasa B- Bar kasi kami. Saturday night out namin ngayon. Kanina pa kami dito at mukhang may tama na'tong mga kasama kong shukla, beki, bakla, bakleta, bading o kung ano pamang tawag sa'min.
Nang maubos ko ay tumayo na ako. "Mauna na ako sa inyo mga shukla." sabi ko at naglakad na. Hindi ko na hinintay ay mga sagot nila. Gusto ko ng umuwi at magpahinga. Hindi naman ako tinamaan ng alak, light lang naman ang ininum ko. Pumunta ako sa kotse ko na nakaparada sa parking lot. Nang makarating ako agad kong binuksan at sumakay. Hindi ko na muna ini-start.
Nagtataka ba kayo kung bakit naka-kotse ako ngayon. Ewan ko rin eh! Hahaha, Hindi! Akin talaga 'to. Tsaka hindi naman ako talaga ako taxi driver, side line ko lang 'yun. Sa katunayan nga, ako ang may-ari ng Sam-Taxi Company. Nagmamaneho ako tuwing umaga lang at gabi. Sa umaga hanggang 9 lang ako, kasi pag 10 na nakaduty na ako sa company. Sa gabi naman mga 8 or 9 ako namamasada hanggang sa magsawa ako at uuwi na.
Ini-start ko na ang kotse ko at pinaandar na ito. Nang makarating sa bahay, agad kong ipinarada ang kotse sa garahe. Pinatay ang makina.
"Haah."
napabuga ako ng hangin. Ganito ako palagi sa buhay. Maraming nagbago sa'kin. Bumaba na ako at pumasok sa bahay. Umakyat kaagad ako at nagtungo sa kwarto. Pumunta muna akong banyo para maligo. Nang matapos ako agad akong nagsuot ng komportableng damit pantulog. Nagtungo sa kama at humiga. Ibinaon ko ang isang kamay sa unan nangay sumagi sa'king kamay na isang bagay sa loob. Kinuha ko 'yun at tiningnan.
"Tsk! Dito ko nga pala ikaw nilagay."
sabi ko ng tingnan ang litrato. Isang litrato ng babae at lalake na masayang nakangiti. Napangiti ako ng mapakla.
"Kamusta ka na kaya?"
tanong ko habang kinakausap ang
babae na nasa litrato na para bang sasagot ito sa'kin na kahit hindi naman."Ikaw naman kasi, nang-iiwan nalang bigla! Tingnan mo ang nangyari sa'kin. Bumalik sa dating gawi."
kinakausap ko talaga ang nasa litrato na sana bigyan ako ng sagot sa'king mga katanungan. Kinakausap ang babaeng nasa litrato na naging sanhi kung bakit ako ganito ngayon.
Nag-iinit ang sulok ng aking mga mata. Kaya bago pa tumulo ang mga luha mula dito ay pinigilan ko na. Ibinalik ko sa ilalim ng unan ang litrato, ang tanging litrato na naiwan niya sa'kin. Tumingin ako sa kisame na ito lamang ang nakakaharap ko sa tuwing lugmok ako. Napatulala na lamang ako at biglang naalala.
Ano na nga ba ang nangyari sayo ngayon? Sa nakalipas na limang taon, ano na nga ba? Kasi sa'kin maraming nang nagbago eh. Bumalik sa dating ako, naging black and white ang mundo ko, naging workaholic din sabi nila. Ikaw? Ano na Manie?
Ipinikit ko ang aking mga mata upang makatulog na.
Kamusta kana nga ba, Manie?
Author's note: Pansin niyo bang hindi nagbe-beki lenggo si Baklang taxi driver. Pwes! Alamin niyo mga kuys! 😉😉
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Pero Hindi Pwede!
HumorMahal kita, pero hindi pwede! -- Bakit nga ba???? This story is a work of my imaginative mind. The characters, organizations, and events portrayed in this story are only a product of the author's imagination. Any resemblance to an actual incidents...