Entry No. 10

50 6 1
                                    

Author's Note:

Pansin niyo bang hindi mahahaba ang bawat chapter? Wag na kayo, hindi ko kayang pahabain mga kuys! Kaya magbasa nalang kayo ha?! Kasi so far, so good naman ang kinalabasan. Bye! Ge.

P.S: Alamin naman natin ang saloobin ni Marcos the Ramp Model.

Abangers! Hengmweh! 💋💋

Entry Number Ten

- Marcos Cortel Point Of View -

"Shit."

Daing ko. Naiinis ako sa sarili ko ngayon na kahit anong pilit kong pigilan ang nararamdaman ko sa kanya ay hindi ko magawa. Palagi kong naiisip na bigyan siya ng pansin at alagaan pero, hanggang tingin nalang ako. Katulad nalang ngayon na natutulog siya, nakakangawit kasi 'yung posisyon niyang nakasandal sa unan pero panaka-nakang umaalis ang ulo niya sa unan pamunta sa kabila. Parang kasing matutumba ito ng wala sa oras. Hindi ko alam ang gagawin ko. Urong-sulong ang ginawa ko tuwing tumatabing 'yung ulo niya sa banda ko.

"Tsk." usal ko.

Hindi na ako nakatiis pa at inalalayan ang ulo niya sa balikat ko, para gawing unan.

"Hmm." usal nito.

Akala ko magigising siya sa ginawa ko, 'yun pala umusal lang at niyakap pa 'yung braso ko. Tinitigan ko lang siya. At isa lang ang napag-alaman ko, gusto ko siya. Gusto ko na siya, na kahit anong pigil ko sa sarili ko na hindi siya gustuhin ay hindi ko magawa. Pilit ko itong pinipigilan pero 'yung puso ko, pilit din na tumitibok para lamang sakanya.

"Gusto na nga yata kita Annie."

Usal ko ng mahina. 'Yung tipong ako lang ang makakarinig kasi tulog naman 'tong katabi ko. Titig na titig pa rin ako sakanya ng magsalita ang driver ko.

"Sir Marcos, nandito na po tayo."

Sabi niya nang tumitingin sa review mirror at agad na bumaba. Hindi ko pa rin inaalis ang titig ko. Hindi ko man lang namalayan na nakahinto na pala ang sasakyan sa kakatitig ko kay Annie na himbing-himbing sa pagtulog.

"Sir, baka matunaw ho."

Rinig kong sabi ng driver ko pero hindi pa rin ako tumigil sa kakatitig sa kanya at napapangiti nalang.

"Annie."

Sabi ko para gisingin na siya. Malala na kasi ang tumitig sa kanya baka matunaw nga kung naging ice cream siya. Hindi man lang siya nagising. Kaya…

"Annie."

Sabi ko na naman pero may kasama ng tapik sa kanyang pisngi. Naka-tatlong tapik lang naman ako sa kanya bago siya tuluyan nagising.

"Annie, andito na tayo." sabi ko.

Nakayakap parin siya sa'king braso, nakita ko siyang tumingin sa'kin. Titig na titig sa'kin, ilang sandali pa unti-unting nanlaki ang singkit niyang mga mata at kinusot-kusot ito. Nakasandal parin siya sa'kin habang kusot ang mga mata niya.

"What are you doing?"

Tanong ko dahil nagtataka na ako sa mga reactions niya. Itinigil niya ang pagkusot sa mga mata niya at kumurap-kurap naman. Seriuosly? Umalis na siya sa pagkakasandal sa'kin at tumalikod na nagmamadaling bumaba ng sasakyan pero bumalik rin kaagad dahil may kinuha siyang mga gamit na sakanya at sa'kin din. Maliit lang naman 'yung bag pack at magaan.

"Annie? Are you okay?"

Tanong ko sa kanya dahil sa kinikilos niya. Anong ginawa ko? Wala naman, diba?

"Ho? W-wala po. S-s-sige po, una nako."

Sagot niya habang nagmamadaling umalis at bitbit ang mga gamit na kinuha niya. At bakit siya nauutal? At tama ba 'yung nakita ko? Is she blushing? Imposible! Napangiti nalang ako at bumaba na. Agad akong naglakad patungo sa hotel na tutuluyan namin dito. Nang makapasok ako sa hotel agad kong hinanap sa'king mga mata si Annie at nakita ko siyang may kausap na lalake sa front desk. Nagtatawanan pa sila, napakunot ang noo ko dahil doon at agad na lumapit sa kanila.

"Hahaha." tawa nila.

"Oh? Definitely none." sabi ni Annie. Mukhang enjoy na enjoy siya ah.

"Really? Then--." at mukhang sobrang nag-eenjoy rin ang lalakeng 'to. Nag-uusap sila nang pinutol ko na ito at agad na nagsalita.

"Where's our room?"

Tanong ko na nakatingin sa lalake. Bakas ang pagtataka sa mukha nito.

"Magkasama kayo?" tanong nito kay Annie. Tanging tango lamang ang isinagot niya. "Oh, okay." sabi ng lalake.

"Ahmm… reservation for Mr. Marcos Cortel."

Sabi ni Annie. Kanina ko nahahalata ang pamumula ng pisngi nito. Bakit kaya? Tsk! Dahil siguro ito sa lalakeng kausap niya ngayon. Nakaka--…

"S-sir M-m-marcos, ito na po 'yung susi niyo. Room 301."

Iniabot niya sa'kin ang susi, hindi ko muna ito kinuha. Tumingin na muna ako sa kanya, pero siya nakatingin lang sa susi. Ilang sandali pa ay nag-angat ito ng tingin, nagkatitigan kami sandali kasi siya na ang nag-iwas ng tingin sa'min.

"Susi niyo po Sir Marcos."

Sabi niya ulit. Kinuha ko na ang susi, siya naman nagsimula ng maglakad. Nagmamadali na naman siya. Bakit palagi siyang nagmamadali? Naglakad na rin ako at hinanap ang kwarto ko. Nang mahanap ko ay agad akong pumasok at nahiga sa kama.

"Iidlip na muna ako." usal ko sa sarili ko at pumikit na. Bukas pa naman magsisimula ang event.

Agad akong dinalaw ng antok at nakatulog na.



Mahal Kita, Pero Hindi Pwede!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon