A/N: Oh. Sige, heto na ang update. Pinilit ko lang talaga para, wala lang. Ang tagal din kasi itong naka tambak lang sa draft.
Mga kutong lupa pwede din kayong mag-vote ha. Kahit hindi kayo naka online,counted rin naman kasi pag naka offline ka din. Nga pala, sabi ng wattpad naka #760 in Romance na siya tapos biglang naging #945 in Romance. Nababaliw na siguro eh sa kunti palang ang reads nito. Hahahaha naloka ako sandali mga te. Haays, sana someday. Charaught!
Paalala lang pwede kayong mag-vote kahit naka-offline kayo. Thank you 😘😘
Oh siya! Enjoy reading mga kutong lupa. Hengmweh!
Entry Number Sixteen
Annie
Nakakailang bilang na ako ng tupa pero maski antok ay walang sumagi sa'king mga mata o maski sumanib man lang. Wala talaga. Nagpagulong-gulong na rin ako sa kama at muntikan na ding mahulog dahil sa kalikutan ko para lamang makatulog pero wala talagang dumadalaw na antok sa'king sistema. Kaya bumangon nalang ako't nagpasyang lumabas at maglakad-lakad sa dalampasigan.
Tanging white short na hanggang kalahati ng legs ko at isang stripe na long sleeve ang suot ko na nakabukas ang tatlong butones nito. Makikita sa loob ang isang black sleeveless. Suot-suot ko rin ang flipflops na binili ni Sir Marcos kanina lang kasi nakalimutan kong magdala.
Nakaharap na ako sa karagatan ngayon at pinagmamasdan ang lawak nito. Ang mahinang alon na tinatangay ng hangin patungong dalampasigan na tumatama sa'king mga paa. Inaakit ako ng karagatan para maligo pero gustuhin ko man ay hindi maari kasi lubhang napakalamig ng hangin nahumahampas sa mga binting walang panangga sa lamig. Ramdam na ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na nakakapagdala ng kalma sa'kin. Niyakap ko ang aking sarili ng umihip ang mahinang hangin. Kakaiba sa hangin na nagmumula sa karagatan. Nanatili lang ako sa ganung posisyon nang may nagsalita galing sa likuran ko.
"Wag kang kikilos, holdap to."
Sabi ng boses pero syempre joke lang 'yan. Hahaha nakakaloka pag nagkaganun.
"Hi."
Sabi ng boses lalake kaya napalingon ako sa gawi niya. Tiningnan ko siya sandali na nililipad ang di kataas nitong buhok ng mahinang hanging tumatama sa kanya.
"Ikaw pala Sir Marcos. Akala ko kung sino ng lalake."
Sabi ko ng nakalingon sa karagatan at napapangiti. Kita ko parin siya sa gilid ng aking mata kaya nakita kong siyang napatingin sa gawi ko. Hindi ko nalang ito pinansin dahil baka may tinitingnan lan ito lampas sa'king gawi. Kaya nag-fucos nalang ako sa karagatang nagbibigay kalma sa'kin.
"Ako nga. Ba't gising ka pa?"
Tanong nito sa'kin. Lumingon ako sa gawi niya sabay sagot ng kanyang tanong.
"Hindi po kasi ako makatulog Sir Marcos kaya nagpahangin na muna ako."
Sagot ko sa kanya sabay balik ng tingin sa karagatan. Kikiligin na sana ako dahil sa pagtatanong nito sa'kin, baka kasi may konting concern ito sa'kin. Pero biglang sumagi sa isip ko na.,
"Annie stop it! Just face the truth that he will never like you."
Yes.
I'm facing the truth and accept it. I am not into his standard and I am just his P.A as in a Personal Assistant. Just simple as that.
Kaya titigil na ako. Hanggang doon nalang siguro ako.
"Ganun ba? Ako rin eh. Nakita lang kita dito kaya nilapitan na kita."
Sabi nito sa'kin. Hindi na ako nag-abala pang sumagot o lumingon man lang. Ninanamnam ko ang ganda ng karagatan dahil sa buwang makikita mo roon. Idagdag pa ang ilaw na nagmumula sa mga cottage na nakalutang sa tubig. Ang ganda talaga. Naputol lang 'yung pagmamasid ko ng muling magsalita si Sir Marcos.
"Annie?" tinawag niya ako sa pangalan ko mismo.
"Hmm?"
Tanging na usal ko lang ng hindi tumitingin sa kanya. Nakatingin na ako buwan ngayon na nasa kalangitan.
"Hmm.. Tungkol pala sa itatanong ko kanina..."
Sabi nito na naging dahilan ng paglingon ko sa kanya. Nakatingin na pala ito sa'king gawi kanina pa. Kaya nagkatitigan kami sandali at ako na ang unang nagbawi at bumalik ang atensyon sa buwan.
"Ano po 'yun Sir Marcos?"
Tanong ko sakanya. Kanina lang ag atat akong malaman kung ano nga ba 'yun pero ngayon ay parang gusto ko ng pumunta sa hotel at matulog na dahil tinatamaan na ako ng antok sa oras na'to.
"Itatanong ko lang kung ano ang gusto mo sa isang lalake?"
Nagulat ako sa tanong niya na 'yun sabay lingon sa kanya. Nagulat lang ako bigla sa tanong niya kasi first time siyang mag-tanung ng mga ganyanan pero sandaling nawala bigla ang pagkagulat ko't napalitan ng pagtataka. Ikaw ba naman kasing tanungin ng ganyan ni Sir Marcos ng bigla-bigla. Tiningnan ko lang kung hindi magulat ang katawang lupa mo.
"A-ahm.. Ahm.."
Ang tanging na usal ko sa'king pagkabigla kasabay ng aking pagtataka. Gusto ko sanang itanong na.,
"Bakit niyo po tinatanong Sir Marcos?" o kaya'y "Mag-aapply po kayo Sir Marcos?" pero syempre hanggang sa isip ko lang 'yun. Hindi pwedeng itanong 'yun uy! Mapahiya pa ang lola niyo. Hindi talaga ako agad nakapag-salita mga 'teng.
"Naku! Sir Marcos. Kahit ikaw lang sapat na. Wala ng gusto-gusto."
Sabi ko pero syempre ulit sa isip ko lang yan. Nawala 'yung pagtataka ng biglang sumagi sa isip ko na wala lang 'yan Annie. Nagtatanong lang para may mapag-usapan kayo. Kaya tumingin ulit ako sa buwan at napabuntong hininga ng malalim. Saka nagsalita.
"Wala naman kasi akong gusto sa lalake Sir Marcos-"
Sabi ko ng naputol ito dahil sa nagsalita siya
"Tomboy ka?!"
Gulat na tanong nito sa'kin sabay lingon niya sa'kin na may gulat na ekspresiyon. Nagulantang din ako sa tinanong niya kaya napalingon na rin ako sa kanya na may pailing-iling ng ulo ko dahil hindi naman 'yun ang pinupunto ko.
Hay naku Annie! Umayos ka kasing magsalita ha?! Nakakaluka ka.
"Ay! Hindi po Sir Marcos."
Sabi ko para ipaliwanag sa kanya ang pinupunto ko. Naluka ako sandali dun. Jusko kasi 'tong si Sir Marcos. Haays. Napabaling ako sa karagatan.
"Ang ibig ko pong sabihin ay wala akong pinipiling mahalin dahil sa mga gusto ko sa kanya. Kung anuman ang dumating ay siyang mamahalin ko pero syempre po 'yung ramdam ko ang pagmamahal niya sa'kin. Ganun po Sir Marcos."
Paliwanag ko kay Sir Marcos ng may ngiti sa mga labi. Hindi kasi ako nagkakagusto dahil sa ugali o mga katangian nito. Basta mahal niya ako, mamahalin ko rin siya. Ganyan lang naman ang dapat diba?
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Pero Hindi Pwede!
HumorMahal kita, pero hindi pwede! -- Bakit nga ba???? This story is a work of my imaginative mind. The characters, organizations, and events portrayed in this story are only a product of the author's imagination. Any resemblance to an actual incidents...