Entry Number EightNakarating naman ako ng hindi late mga 'te, pero hanggang ngayon inis pa rin ako sa baklang taxi driver na 'yun.
Jusko! Ba't siya ang lagi kong nasasakyan? Pambihira naman kasi 'yun! Akala ko tatahimik na siya pero akala ko lang pala 'yun mga 'te. Hindi naman niya ako iniinis pero sadyang naiinis lang talaga ako sa baklang taxi driver na 'yun. Ewan ko nga ba!! Hanggang ngayon hindi pa rin humuhupa ang inis ko.
Akalain mo 'yun isumbat ba daw sa'kin kung bakit nagka-tagyawat siya! Bwesit na 'yun, tapos ito pa. Ito pa talaga! Sinabihan ba daw ako ng hindi daw bagay sa'kin 'tong suot ko kasi para daw akong tomboy.
Tomboy?! Naka-doll shoes? Tomboy? Nakakalerkey talaga mga shokla. Napairap nalang ako sa inis.
"Brrrr. Hays."
Daing ko para mabawasan ang stress ko sa bakletang 'yun. Swear! Ipapa-carnap ko talaga 'yung minamaneho niyang taxi. Bwesit siya!!
"Oh? Annie? What happened to you?" sabi ni Sir Marcos.
Oo mga 'te! Si Sir Marcos nga 'yan. Kinakausap na niya ako ng maayos ng hindi nagsusungit at… improving mga 'te nang hindi din nakasigaw. Wag kayo ha! Wala akong pinakain d'yan o pinainom man lang. Hindi ko talaga alam kung bakit siya nagbago.
Siguro tumalab na sa kanya ang charm ko. Waaaaaah! Di nga? Pero AS IF! Personal Assistant lang niya ako no! Wag assuming Annie ha?! Atsaka anong karisma ka d'yan? Tanga! Wala ka nun uy, kaya tumigil ka na d'yan.
"Annie? Yuhoo? Earth to Annie."
"Ay palaka." daing ko dahil sa pagkagulat.
Jusko! Ngayon ko lang narealize na sobrang tanga ko pala dahil sa nakatunganga ako sa kawalan.
"Ay s-s-sorry s-sir Marcos, may iniisip lang po." sabi ko sa kanya. Nasa kotse kasi kami pansamantalang nagba-biyahe patungo sa beach kung saan gaganapin ang event.
"Okay." sabi nito. "Yung sunglasses ko nga pala, please." dagdag nito.
Hindi kayo mali ng rinig mga 'te! Talagang nag-please siya sa'kin. Agad kong kinuha ang bag na nasa harapan ko, maliit lan naman 'yun at hinanap ang sunglass niya. Ibinigay ko sa kanya ng mahanap ko agad din nan niya itong sinuot at isinandal ang ulo sa unan. Nagdadala kasi talaga siya ng unan sa sasakyan para in case na matutulog siya. Tumingin nalang ako sa labas pero tented 'yung salamin ng bintana kaya nga-nga ako mga 'te.
Napatingin ako sa katabi ko na malamang si Sir Marco. Mukhang mahimbing na natutulog na'to kaya hindi ko maiwasang titigan ang mukha nito. Halos mag-laway ako sa kanya. Charot!! Ang gwapo niya talaga, para talagang anghel eh! Yung ilong niya, yung labi, yung shape ng mata, at yung kurbang pilik mata niya. Perfect na perfect. Ang perfect lang talaga.
Tao pa ba 'to? O alien talaga siya. Pero kung alien ka talaga Sir Marcos puwede ba na dalhin mo nalang ako sa inyong planeta? Baka sakaling doon tayo magka-developan eh, hihihi. Hay naku Annie! Ang landi mong babae ka, mag-tigil ka na nga!!
"Annie, staring is rude."
Nagulat ako nung nagsalita si Sir Marcos. Agad akong napaiwas at nag-iinit na 'yung pisngi ko dahil sa hiya.
Myghad! Annie, nakakahiya 'yung ginawa mo. Jusko! Akala ko kasi mahimbing na itong natutulog, eh akala ko lang pala 'yun! Huhuhu, minsan Annie ha? Bawas-bawasan mo 'yung pagkalandi mo! Mapapahamak ka eh! Hindi na ako tumingin sa kanya at sumandal nalang sa bintana para maitago ang hiya.
"Your cute when your blushing." sabi niya pero hindi ko maintindihan kasi focus na fucos akong itago ang aking mukha sa kanya. Pumikit ako at papikit na kinuha ang isa pang unan para sumandal doon. Ibinaon ko ang aking mukha sa unan. Nanatili lang ako sa ganung posisyon.
Jusko! Nakakahiya talaga. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya.
Waaaaaaaaaaaah! Wala na, wala na! Sira na 'yung image ko sa kanga. Baka akalain niya na minamanyak ko siya. Huhuhuhu, sira na talaga. Sirang-sira naaaaaaaaah!!
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Pero Hindi Pwede!
HumorMahal kita, pero hindi pwede! -- Bakit nga ba???? This story is a work of my imaginative mind. The characters, organizations, and events portrayed in this story are only a product of the author's imagination. Any resemblance to an actual incidents...