A/N: Papromte lang dito. Basahin niyo naman 'yung iba ko pang stories. Thank you!
Enjoy reading mga kutong lupa.
Entry Number Fourteen
- Sammil Vhanz Point of View -
Nakakapagod ang araw na'to. Buong araw ba naman akong pumasada kasi naman 'yung isang taxi driver namin nagkasakit mga pagirl kaya ang lola niyo ang umariba. Nakakalerke mga 'te. Nasira ang beauty ko! Jesme.
Pero nagtataka lang ako na hindi ko na nakikita ang babaeng 'yun. Yung singkit na mataray niyong lola mga pagirl. Di ko nga alam kung bakit ako ang lagi niyang nasasakyan sa tuwing lumalabas siya ng kanilang bahay. Nakakalerkey ang lola niyo mga 'te ang gwapo kasi nung boss niya. Ang yummy yummy pa! Slurp. Hahaha
By the way mga pagirl, kakaligo ko lang ngayon at ready na ako para magpahinga at mag-beauty sleep. Bawas puyat para iwas wringkles mga pagirl. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang…
*Kring* *Kring* *Kring* *Kring*
Tumunog kasi 'yung cellphone ko. Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit sa kisame. Charot! Sa dingding ng pinto. Mag-aalas onse na ah! Sino itetch?
*Kring* *Kring* *Kring* *Kring* *Kring*
Kinuha ko na at sinagot ang tumatawag.
"Hello?"
Sagot ko ng nasa kabilang linya. Matagal bago siya nagsalita. Ibababa ko na sana eh! Istorbo kasi.
"H-hello s-si S-Sammil po ba ito?"
Sagot ng isang babae sa kabilang linya. Aba'y tatawag-tawag siya eh hindi naman pala kilala ang tinatawagan. Lakas maka trip nitong si Ate.
"Ahm.. Oo po, bakit po?"
Balik kong tanong sa kanya. Nag-bebeautiful eyes pa ako na nakatingin sa itaas para hintayin ang sagot niya. Ba't ang tagal nitong sumagot?
"Hello? Ako nga po 'to si Sammil the beautiful. Bakit po ba?"
Ani ko sa babaeng kausap sa cellphone. Kanina pa ako tumigil sa pagbe- beautiful eyes sabay napalitan ito ng kunot noo. Ang tagal niya talagang sumagot. Naghintay ako sandali pero namuti nalang ang aking mga mata ay wala pa rin siyang sagot.
"Hay naku ate ha! Ang ganda ng trip mong pagirl ka. Nakakasira itetch ng aketch beauty rest!"
Sabi ko at tiningnan ang cellphone. Pagtingin ko, nagtaka ako kasi. Bakit hindi na nailaw ito? Pinindot ko ang unlock button pero hindi na talaga nailaw.
"Aish! Lowbat na pala aketch. Kaya pala waley sumasagot. Hahaha"
Sabi ko ng tumatawa pa. Everytime kasi malolowbat ito ay nasa silent mode lang. Shyness itong cellphone ko mga pagirl eh.
"Ang ganda talaga aketch."
Nasabi ko nalang sabay umayos ng higa nang makapagbeauty rest na talaga. Sirang-sira na talaga ang beauty aketch! Jesme. Pero ang weird ni ateng tumawag ha! Lungkot lungkutan ang peg ng kanyang boseslalu. Sino kaya si ateng tumawag mga pagirl? Hay naku.. Siguro wrong number lang 'yun pero, ba't niya naman kasi tatanungin ang pangalan ko diba? Jesme! Bahala na nga 'yung girlalu na si ateng na 'yun. Nakakasira talaga ng beauty aketch. Pumikit na ako at hindi na nag abala pang echarge ang cellphone ko. Antok na antok na talaga ako at dahil doon ay nakatulog na ako.
**
Nagising ako ala-sais ng umaga. Wala namang akong ibang gagawin kung di ang maghanda at mag-ayos papuntang trabaho ko, atsaka mag-aalmusal at lalakad na.
Heto na nga ako ngayon palabas na ng aking bahay. Inilock ko muna ang mga dapat ilock sa bahay baka kasi pag-uwi ko mamaya ay waley na aketch madatnan. Nakakalerkey 'yun mga pagirl!
Sumakay na ako sa taxi na menamaneho ko araw-araw pagpapasok sa trabaho. Automatic na nagbubukas ang gate sa tuwing lalabas at papasok ang sasakyan ko. Sosyalin ako mga pagirl kaya wag kayong umangal d'yan!! Gumora na ako sa pamamasada para makarating agad ako sa opisina. Mga 2 hours kasi ang biyahe papunta doon kaya namamasada nalang ako.
Nang makarating ako ay agad akong nagpunta sa opisina ko't naupo sa upuan na swivel chair. Uupo lang naman ako doon at mag-checheck ng mga bagay-bagay.
*Tok* *Tok* *Tok*
Huminto ako saglit sa pag-checheck at tumingin sa pintong nakabukas ng kaunti. Nakita ko ang nakausling ulo ng aking secretarya.
"Ano iyun girl?"
Tanong ko sa kanya ng nakataas ang kaliwang kilay.
"Sir Sammy, may naghahanap sa'yo sa labas. Gusto daw po kayong makausap."
Sagot nito sa tanong ko sabay bukas na ng pinto at pumasok na.
"Sinabi ko bang pumasok ka?" pabalang kong tanong sa kanya,. Hindi parin nawawala ang pagkurba ng aking kilay.
"Ay sorry po."
Sabi nito sa'kin tsaka muling bumalik sa pinto't iniusli ang ulo. Lokaloka talaga tong babae na'to. Nakakalerkey ang kabobohan. Jesme.
"Chaka kang pagirl ka! Sino ba 'yang naghahanap sa'kin?"
Tanong ko dito. Wala naman akong natandaang nautangan ko o nagawan ng masama kasi. Mabait kaya ako no! Tse.
"Ewan ko Sir Sammy, ang weird nga kasi parang iiyak na siya eh."
Sabi ni girl na naka usli pa rin ang ulo nito sa pinto dahil hindi ko pa siya pinapapasok. Magtiis siya dyan. Hahaha
"Sabihin mong busy aketch at maraming aketch ginagawa."
Sabi ko dito at agad naman itong sinunod ang utos ko atsaka lumabas na. Bumalik na ako sa pag-checheck. Ilang minuto lang ay hindi na bumalik ang aking secretarya. Siguro nainis 'yun sa hindi ko pagpapa-pasok ko sakanya. Jesme kasi! Nagbibiro lang naman aketch.
Atsaka sino ba talaga kasi ang naghahanap sa'kin. Kagabi pa yan ha! Najesme tuoy ang beauty ko sa sandaling maiisip ko 'yun. Baka kasi masamang tao 'yun no! Nalerkey na talaga!! Kung sino man siyang nilalang siya ay magpakita siya sa'kin.
Jesme na jesme talaga! Harujusko!!
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Pero Hindi Pwede!
HumorMahal kita, pero hindi pwede! -- Bakit nga ba???? This story is a work of my imaginative mind. The characters, organizations, and events portrayed in this story are only a product of the author's imagination. Any resemblance to an actual incidents...