JAMES POV:
"James pakigising nga si megan kakain muna tayo" utos ni sofia sakin
"Luh? Ako? Ayoko nga baka itapon niya ulit sakin yung sapatos niya ikaw na lang kaya" sabi ko sa kanya
"Ako?eh tutulongan ko pa sila sa labas na mag handa wala ka namang ginagawa eh kaya gisingin mo na si megan bilis!!"
"Kung hindi lang kita kapatid tss" sabi ko sa kanya at pinuntahan si megan
Huminto muna kami sa isang ilog dito sa!? Ewan di ko alam ang lugar na to eh maganda naman ang lugar malinis na tubig sa ilog tapos berdeng mga damohan tapos masarap na hangin pwedeng pwede kang mag picnic sa lugar na ito
Lahat sila andon sa labas at hinahanda na ang makakain namin
Pagkadating ko sa parang kwarto dito sa van eh nakita ko na nakahiga si megan at nagtatalukbong ng kumot
"Megs...gising na oy..... Kakain muna tayo..." sabi ko sa kanya at niyugyog siya
"Hmmmm...."
Eh? Sarap ng tulog ah!?
"Oy megs kumain muna tayo"
Bigla namang napamulat si megan at bigla akong binatukan"Aray!!! Bakit mo ako binatukan!? Kanina tinulak mo ako tapos tinapunan ng sapatos sa noo ko tignan mo oh may bukol pa! tapos ngayon babatukan mo ako!? Inaano ba kita megs!?" ang sakit na talaga ng katawan ko kapag kasama ko ang babaeng ito napakabrutal
"Andon na eh!!!" pagmamaktol ni megan
"Andon na ang ano?" tanong ko sa kanya
"Magkikiss na sana k----" di ko na pinatapos si megan na magsalita
"Na ano magkikiss tayo!? Pati ba naman sa panaginip mo megs pinagnanasaan mo ak---ah aray!!!! Nakakarami ka na ha!!" sigaw ko sakanya
"Tsss naman james panira ka talaga siya nga pala sa ginawa ko sayo kanina sa pagtulak ko sayo sorry hindi ko sinasadya bigla na lang kasi sumakit yung ulo ko hindi ko din alam kung ano ang connect ng pag sakit ng ulo ka sa pag tulak ko sayo MIANHAEYO" sabi ni megan habang naka yuko
YOU ARE READING
A DISASTER BETWEEN THEIR HAPPINESS
RandomGrupo ng mga kabataan na gustong magkaroon ng adventure ano kaya ang mangyayari sa kanila Magiging masaya? O Isang trahedya?