MEGAN'S POV:
Ilang araw na din kaming dito nagstay sa lugar na ito mukhang wala atang balak yung mga kaibigan ko na umalis akala ko roadtrip yung gagawin namin? Mga bwesit yun! Excited pa naman ako akala ko 1 or 2 days lang kami dito pero yung mga unggoy wala na atang balak umalis pinakilala ko sa kanila si jian para naman hindi na ako mapagalitan nila keigen tsss.
Pinakilala din sa akin ni Jian yung mga kuya niya sina Jacob,Brylan at Gian. Si Jacob sobrang masungit tss... Hindi ko na lang pinapinsan nagsusungit lang yun dahil nagagandahan siya sa akin ECHOS! Si Brylan naman ang tahimik pipi ata yung lalaking yun ay hindi pala ang tipid niya lang mag salita like killua si Gian naman sobrang bait kagaya ni Jian.
Pero nung pinakilala sa amin ni Jian yung mga kuya niya bigla naman akong hinila ni JM papunta sa kwarto namin at binalaan ako na wag akong lalapit at makikipag kaibigan sa apat na yun sinabi ko sa kanya na mababait naman sila pwera lang kay Jacob at Brylan sus nakakainis yung dalawa sarap patayin at ipakain sa mga pating pero pinigilan pa rin ako na makipagkaibigan dun sa apat sus nagseselos lang to si JM iniisip naiya siguro na baka ipagpapalit ko sila sa mga taeng yun.
"Hoy megan umayos ka nga! Umalis ka sa kama ko!!" sigaw ni JM habang pinaghahampas ako ng unan.
"Hoy ano ba justine!!! Nakakaloka ka! Dito lang ako sa kama dun ka na lang sa kama ko kasi mas maganda dito yung veiw mas makikita ko yung mga stars tapos dun sa pwesto ko puro puno hindi ko makita yung stars tsss.."sabi ko kay JM at pinaalis siya sa kama niya hehehehe.
" Bwesit dami mong satsat ipakain ko sayong lampshade eh!"sabi ni JM at padabog na pumunta sa kama ko at nahiga.
"GOOD NIGHT JUSTINE!!" sigaw ko sa kanya.
"GOOD NIGHT SAPPHIRE!!" sigaw ni jm sa akin at halata sa boses niya na naiirita siya hahahaha.
JUSTINE MAY'S POV:
Letcheng megan talaga oh! Daming arte sarap ipatapon sa bermuda triangle. Kanina pang tulog itong si megan sa kama ko ako naman ay hindi makatulog sa hindi malamang dahilan.
Bumangon ako sa kama at tumingin sa bintana.Sobrang dilim sa labas.Syempre justine gabi nga diba syempre madilim.
Mga ilang minuto din akong nakatingin sa labas ng bintana.Hihiga na sana ako ng may napansin ako sa gubat isang tao at may hinihila siyang sako at may hawak hawak siyang baseball bat?
Nakakapagtaka na sa ganitong oras ay may tao pa dun sa gubat.Pinagmasdan kong mabuti yung tao at napag alaman ko na lalaki ito base sa kanyang katawan at kung paano siya gumalaw.
Pumunta yung lalaki sa balon at itinapon niya yung sako pagkatapon ng lalaki ng sako ay nalaglag pa yung ibang laman ng sako agad naman itong pinulot ng lalaki at itinapon.Nacu-curious talaga ako at kung sino yung lalaking yun.
YOU ARE READING
A DISASTER BETWEEN THEIR HAPPINESS
RandomGrupo ng mga kabataan na gustong magkaroon ng adventure ano kaya ang mangyayari sa kanila Magiging masaya? O Isang trahedya?