Jane's Pov:
"Paki alis ng kama ko please?" utos ko sa mga kaibigan ko kaya naman sinunod nila.
"Oh? Tapos?" walang ganang tanong ni james kaya binatukan ko siya.
"Look!" sabi ko sa kanya at pinakita ang parang underground na nakita ko.
"Sigurado kang safe jan?" tanong naman sakin ni kyoya.
"Yun ang hindi ko alam pero no choice na tayo" sabi ko sa kanila ng nakayuko.
"Bago tayo pumasok jan ay itali niyo ang dalawang kumot at itali niyo ito sa bintana" utos ni killua sa amin kaya labis naman kaming nagtaka.
"Tsk para isipin nilang ginamit natin ang kumot para makatakas" explain ni killua kaya parang tanga naman kaming tumango ng sabay sabay. Ginawa naman namin ang inuyos niya sa amin.
"Dala niyo yung mga binigay namin ni justine?" biglang tanong ni killua kaya tumango naman kami kasi dati nung birthday namin ay binigyan nila kami ng mga baril pati na din ng pocket knife.
"Mauuna na kami ni james na pumasok sa loob tapos sumunod kayong dalawa" sabi ni keigen at tinuro kami ni sofia kaya tumango naman kami.
"At kami naman ni killua sa hulihan para ma protektahan namin kayo" sabi naman ni kyoya. Nauna nang pumasok si james at keigen kaya sumunod naman kami ni sofia pagkapasok namin ay sobrang dilim buti na lang may dala dala kaming mga flashlight.
"Ang dumi naman ng lugar na ito" sabi ni sofia ng nakabusangot.
"Hoy sofia wag ka ngang mag inarte jan sapakin kita eh" naiinis na sabi ni james sa kapatid niya.
Muntik na akong mapatalon ng may biglang nagsalita sa likuran ko.
"Bilisan niyo ng maglakad baka mahuli nila tayo" saad ni killua kaya agad naman namin siyang sinunod.
Ilang minuto ding kaming naglalakad hanggang sa may nailawan kaming dalawang taong nakabitin.
Sisigaw na sana kami ni sofia buti na lang at tinakpan nila ang bunganga namin.
"Baka mahuli tayo" seryosong saad ni james sa amin.
Tinignan namin ng mabuti ang dalawang taong nakabitin at dun namin na pagtanto na si megan at JM pala ang nakasabit dun.
YOU ARE READING
A DISASTER BETWEEN THEIR HAPPINESS
RandomGrupo ng mga kabataan na gustong magkaroon ng adventure ano kaya ang mangyayari sa kanila Magiging masaya? O Isang trahedya?