JM'S POV:
Bigla akong namutla at nakaramdam ng takot.
"Jm are you ok? Ay wow ang galing ko ng mag english! Pero teka Jm ok ka lang? Namumutla ka kasi tatawagin ko ba si killua?" biglang tanong ni megan sa akin.
"O..ok la...lang ako" sabi sa kanya.
"Tatawagin ko ba si killua?" tanong niya ulit.
Nanginginig na tumango ako kay megan umalis din si megan at mga ilang sandali pa ay nandito na si kyung.
Hinawakan ni kyung ang dalawa kong pisngi at pinharap niya ang mukha ko sa kanya kitang kita ko sa mga mata niya ang pag aalala niya.
Parang bumalik lahat ng sakit at takot na nararamdaman ko
"Anong nangyari? Bakit namumutla ka?" nag aalalang tanong niya sa akin.
FLASHBACK....
Mula noong 6 years old ako sa tuwing nakakakita ako ng number 13 parang may mga malas na nangyayari sa akin meron akong Triskaidekaphobia dati may alaga akong pusa sobrang mahal na mahal ko yun bigay yun ni mommy sa akin.
Naglalaro lang ako sa bakuran namin ng may nakita akong number 13 bigla akong kinabahan at natakot ng hindi ko naman alam kung ano ang dahilan agad ko namang hinanap ang alaga kong pusa.Hinanap ko siya sa buong bahay pero hindi ko siya nakita lumabas ako ng bahay at nandun siya sa kabilang kalye.
Bigla akong tumawid pero hindi ko namalayan na may paparating palang sasakyan buti na lang at nahila ako ni killua.
"Ok ka lang?" biglang tanong ni kyung sa akin tumango naman ako bilang sagot.
At pagtingin ko sa pusa ko wala na siyang buhay doon ako biglang napaiyak.
"Shhhh...wag ka ng umiyak" pagpapatahan ni kyung sakin pero hindi ko siya pinansin at iyak lang ako ng iyak.
Noong 13 years old ako birthday ko nun eh bigla naman akong kinabahan napagplanohan kasi nina mom na mag outing kami sa birthday ko.
Ilang beses akong gumawa ng paraan para hindi ma tuloy ang outing namin at dito na lang sa bahay i celebrate yung birthday ko pero hindi sila pumayag.
Habang nasa byahe kami hindi ko ma alis alis ang takot at kaba na aking nararamdaman ngayon kasing birthday ko pupunta kaming cebu para doon i celebrate ang birthday ko kasama sina lolo at lola habang nasa byahe kami biglang huminto si
"Ky......kyung......sab...sabihin...m....mo...kay...kyoya..n....na itigil ang sasak----" hindi ko na natapos ang sasabihin ng biglang nagpagewang-gewang ang sasakyan kaya napasigaw kaming lahat pero agad na nagpreno si kyoya at muntik na kaming mahulog sa bangin.
YOU ARE READING
A DISASTER BETWEEN THEIR HAPPINESS
RandomGrupo ng mga kabataan na gustong magkaroon ng adventure ano kaya ang mangyayari sa kanila Magiging masaya? O Isang trahedya?