CHAPTER 10

4 0 0
                                    

SOFIA'S POV:

Pagkalabas ko may nakita akong matanda na tumatakbo.

"Tulong!!!" sigaw lang siya ng sigaw habang tumatakbo.

Bigla namang huminto ang matanda sa harap ko.

"Lolo bakit po kayo tumatakbo?"nagaalalang tanong ko.

" ahh hija may humahabol kasi sa akin pero mukhang wala naman sila saan pala kayo pupunta?"biglang tanong ni lolo lumabas na din yung mga kaibigan ko.

"Lolo kayo po yung sumigaw?" biglang tanong ni megan.

"Ah oo hija bakit?"sabi naman ng matanda.

"Wahhhhhh lolo you save our life T____T"maiyak iyak na sabi ni megan at ni james.

Nagtatakang tumingin si lolo kina megan at james na parang mga baliw na nakatakas sa mental.

" ahh... Lolo wag niyo na oong pansinin ang dalawang may sayad po yan sa utak"sabi naman ni keigen.

"Ang sama mo!" sabay na sigaw ni megan at ni james.

"Ahh sa tanong niyo po pala kanina bago dumating yung mga kaibigan ko po ay sa San Agustin po ang punta namin" nakangiting sabi ko pero biglang nag bago ang expression ng matanda.

"Naku hija kung ako sa inyo ay wag na kayong tumuloy dun mapanganib ang lugar na iyon maari kayong mapahamak doon at--" hindi na natapos ang sasabihin ni lolo ng may mga lalaking tumatakbo at sumisigaw.

"Bilisan niyo hulihin niyo yung matanda" sabi ng isang lalaki na mukhang leader nila.

Bigla namang tumakbo si lolo.

"Teka po lolo!" biglang sigaw ni jane.

Huminto muna sandali ang matanda at lumingon sa amin ng nakangiti at nakatingin sa amin ng nagaalala.

"Tandaan niyo mag-iingat kayo palagi" sabi ni lolo at agad na tumakbo.

"Sandali lang!" biglang sigaw ng lalaki.

Bago pa silang lahat na makadaan ay pinigilan ni megan ang isang lalaki.

"Uhhhmmmm... Kuya bakit niyo po hinahabol si lolo?" nagtatakang tanong ni megan pati nga kami ay nagtataka rin kung bakit nila hinahabol si lolo.

A DISASTER BETWEEN THEIR HAPPINESSWhere stories live. Discover now