CHAPTER 13

4 0 0
                                    

JAMES POV:

Nasaan na ba yung babaeng yun parang nalibot ko na tong buong lugar na to kakahanap lang sa baliw na yun.

"Taeng megan nasaan ka na ba?" sige james kausapin mo pa  yung sarili mo para mag mukha ka pang tanga!

Pumunta na lang ako sa fountain dito sa likod ng mansyon na malapit sa gubat hindi ko naman ma sabi na isa itong hotel dahil hindi naman to mukhang hotel.

Malayo pa lang ako sa fountain ay may na tanaw akong dalawang tao isang babae at isang lalaki hindi ko na sana papansinin at itutuloy na lang ang paghahanap kay megan maglalakad na sana ako ng bigla kong narinig ang boses ni megan.

"Tigil tigilan mo ako Jian kung ayaw mong maupakan!" megan.

"Oy girlfriend joke lang naman yun eh!"

Kaya bigla akong lumingon sa dalawang tao na nasa fountain bigla namang uminit ang ulo ko sa nakita yung mukhang unggoy na yun eh kinukurot ang pisngi ni megan taeng yun ako lang pwede ang gumawa niyan kay megan.

Kaya agad akong pumunta sa pwesto nila megan at aba! Ang saya pa nila sarap upakan! Agad kong hinila si megan kaya bigla siyang napatayo at yung unggoy niyang kasama ay tumayo din.

"Aray naman!" reklamo ni megan.

"Ano ba tol nasasaktan girlfriend ko!" pagkarinig kong sabi ng lalaki ay bigla ko siyang tinignan ng masama at ibinaling ko ang masamang tingin ko kay megan.

"Bago mo pa inangkin itong babaeng to ay huli ka na AKIN LANG TO at papunta ka pa lang pabalik na ako!" sabi ko sa kanya at tinignan siya ng mamasa ano to!? Kanina pa lang kami dumating may boyfriend  na agad tong babaeng to bwesit lalong umiinit ang ulo ko!

"Wag magsalita ng tapos pare kung ang asawa nga na aagaw girlfriend pa kaya!" sabi niya at nag smirk.

"Wag ka din magsalita ng tapos dahil hindi ko ibinibigay kong ano ang AKIN" sabi ko at hinila si megan palayo sa unggoy na yun.

Hindi ko alam kong bakit yun ang lumalabas sa bibig ko basta ang sa akin lang eh ayaw ko sa lalaking yun bwesit! Dala lang siguro ng inis ko kaya ko nasabi yun.

MEGAN'S POV:

"Malalagot ka sa kuya mo!"sabi ni james habang hila hila pa rin ako.

Problema ng lalaking to?

Hindi ko pinansin ang sinabi niya ehhhhh kasi naman parang sirang plaka na paulit ulit sa utak ko yung mga sinasabi ni james.

Tae! Ang sakit na nang pagkakahawak ni james sa kamay ko.

" A-aray J-james ano ba!? Masakit!"sabi ko sa kanya habang pinipilit kong alisin ang pagkakahawak niya.

A DISASTER BETWEEN THEIR HAPPINESSWhere stories live. Discover now