CHAPTER 17

4 0 0
                                    

SOFIA'S POV:

Andito kami ngayong walo sa plaza fiesta kasi ngayon dito sa bayan at ngayon babantayan namin ang mga kinikilos ni james at keigen.

Ewan ko ba kung bakit ako sumangayon sa ka abnormalan ni megan at hindi naman yun totoo panaginip niya nga diba! Pero eto kami ngayong apat parang mga tangang stalker na nakasunod sa apat na unggoy.

"Megs tigilan na natin para tayong tanga" bulong ko sa kanya kasi naman nasa harapan namin yung apat na lalaki tapos kami andito sa likod nila at sumusunod kung saan sila pupunta.

"Oo nga megs tigilan na natin to mag enjoy na lang tayo!" bulong naman ni jane sa kanya.

"Ang OA mo kasi!" sabi naman ni JM at binatukan si megan.

"Ikaw ha! Nakakarami ka na!" sabi naman ni megan kay JM.

"Ano ba kayong apat mukha kayong tanga sa ginagawa niyo" biglang sabi ni keigen.

"Tsss Justine!" sabi ni killua at halata sa boses niya na medyo galit na siya.

"Jane halika nga dito!" sabi ni Kyoya at hinila si Jane papunta sa tabi niya.

"Sofia!" sabi naman ni james at tinignan ako ng masama.

"Megan anong ka abnormalan naman to?" tanong ni keigen.

"Ahmmm wala lang heheheheh" sabi ni megan at lumapit na sa kakambal niya.

"Para kayong mga baliw" sabi ni killua.

"Si megan kasi!" sabi namin nina jane.

"Teka bakit ako!?"

"OA mo kasi!" sabi ni JM kay megan.

"Ohh tama na nga yan tara na at gumala" sabi ni kyoya at nag simula na kaming maglakad.

Habang naglilibot kami may nakita kaming kumpulan ng mga tao at dahil likas na chismosa si megan agad siyang tumakbo dun.

Kaya sumunod na lang kami sa kanya pagdating namin dun may mga maliit na bakod na may net na pa square at ang sa gitna ng bakod ay puno ng putik at may sampung biik sa loob.

"Guys!! Sali tayo sa laro nila bilis!!!" excited na sabi ni megan at hinila kami.

A DISASTER BETWEEN THEIR HAPPINESSWhere stories live. Discover now