CHAPTER 12

5 0 0
                                    

JAMES POV:

Pagkapasok ko sa kwarto agad naman akong nagbihis.

"Tol labas muna ako!" pagpapaalam ko sa kanya pero teka bakit pa ako magpapaalam?

"Geh kahit hindi ka na bumalik!" sabi niya habang nakatalikod sa akin.

"Tangina mo tol!" sabi ko sa kanya at kumuha ng unan at itinapon sa direksyon niya.

"Tangina mo din!" sigaw niya at itinapon sa direksyon ko ang unan pero nakaiwas ako.

"Oy galit siya! Hahahaha dahil ba hindi mo nakasama si kyoya? Hahahah" Pangaasar ko sa kanya.

"Tumahimik ka nga!" keigen.

"Sus ang sabihin mo kahit kailan hindi mo talaga matanggap na mas gwapo ako sayo!"

"Nyetas! Umalis ka na nga matutulog ako ang ingay ingay sobra ka pa sa babae labas na!" pagtataboy niya sa akin.

Galit na si keigen may regla ata ngayon kaya ang init init ng ulo hahahahaha.

Lumabas na ako ng kwarto baka magalit pa si keigen hahaha.

Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko agad si megan mapagtripan nga.

"Hoy sapphire!" sigaw ko sa kanya.

Agad naman siyang lumingon sa akin at ang sama ng tingin niya hahahahaha alam niyo naman diba na ayaw siyang tawaging Sapphire ang arte ng babaeng to.

"Ano ba James! Tigil tigilan mo nga ako sa pagtawag sa akin ng sapphire!" sigaw niya sa akin sus arte talaga nag isip isip naman akong pwedeng pangasar sa kanya.

"Ok so pwedeng PANDA na lang ang itawag sayo?"tanong ko ng nakangisi sa kanya kaya bigla namang kumunot ang kanyang noo.

"Bakit panda!?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Dahil ang liit mo!" sabi ko sa kanya hanggang balikat ko lang kasi si megan hahahaha.

"So anong connect?" nagtatakang tanong niya.

"Tsss... Pangit naman kung pandak ang tawag ko sayo diba so kinuha ko yung  " k" sa word na pandak kaya naging panda"paliwanag ko sa kanya.

A DISASTER BETWEEN THEIR HAPPINESSWhere stories live. Discover now