CHAPTER 21

8 0 0
                                    

JM's Pov:

Masama ang pakiramdam ko dito. Hindi basta basta nawawala si megan kapag aalis man yun ay bago pa ang umagahan ay anjan na siya ayaw na ayaw niyang nahuhuli siya dahil takot yun na maubusan ng pagkain.

Hindi namang pwedeng gumala yun sa bayan kapag walang kasama dahil una pa lang binawalan na sila ni killua na bawal gumala sa bayan pag walang kasama.

Kanina pa kami naghahanap kay megan pero ni anino ay wala kaming nakita.

"Shit megan nasan ka na!" malakas na sigaw ni keigen at sinuntok ang puno kaya nasugatan siya.

"Keig huminahon ka lang" sabi ni sofia habang papalapit sa kanya.

"PAANO AKO HIHINAHON KUNG NAWAWALA ANG KAPATID KO!?" galit na galit na sigaw ni keigen kaya naman ay hinila ko si sofia. Hinawakan naman nila james at kyoya ang magkabilang kamay ni keigen at sinuntok ni kyung si keigen.

"Huminahon ka! Hindi mo mahahanap ang kapatid mo kung ganyan ang inaasal mo hindi lang ikaw ang nag aalala sa kanya pati rin kami halos lahat tayo nag aalala pero pinapanguna ba namin ang galit!? Syempre hindi dahil wala kang makukuha pag inuna mo ang galit!" mahabang lintaya ni kyung.

"Wow ang haba nun ah" bulong ni jane.

Bigla namang natauhan si keigen kaya bigla siyang huminahon at lumapit kay sofia.

"Sof sorry nag aalala lang ako kay megan" sabi ni keigen habang nakayuko. Hinawakan naman ni sofia ang magkabilang pisngi ni keigen at inangat ito kaya nagkakatinginan na sila bigla namang ngumiti si sofia.

"Ok lang yun" sabi ni sofia kaya naman namula si keigen. Ay puta hindi ito ang oras para maglandian.

"Guys kumain na kaya muna tayo? Tanghali na oh" sabi naman ni jane kaya napagdesisyonan naming kumain na muna habang naglalakad kami ay napansin kong parang wala sa sarili si james.

"James ayos ka lang?" tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang nagulat at napatingin sakin.

"Actually hindi" malungkot na saad ni james.

"Makikita din natin si megan" sabi ko sa kanya at tango naman ang sinagot niya sakin.

Megan nasan ka na ba....

James Pov:

Pagkatapos naming kumain ay nagsimula ulit kaming maghanap kay megan.

A DISASTER BETWEEN THEIR HAPPINESSWhere stories live. Discover now