CHAPTER 24

5 0 0
                                    

JM's POV:

Nagising ako dahil sa ingay at pagkamulat ko ay nakita kong naka piggyback ako kay kyung si james na namimilipit sa sakit dahil daw sa kinakagat siya ni megan.

Si jane na nanghihina at akay akay ni kyoya. Si sofia na hawak hawak ni gian at nakatutok kay keigen ang kanyang baril.

"Kyung may plano ako" bulong ko sa kanya na medyo ikinagulat niya.

"Gising ka na pala kamusta ang pakiramdam mo?" nag aalalang tanong niya sakin.

"Ok lang ako wag mo akong alalahanin" sabi ko sa kanya.

"Ano na ang plano mo?" tanong niya sakin.

"Paano kung atakihin natin sila ng sabay sabay at patayin" seryosong saad ko.

"Eh paano naman si megan mukhang gising na yun?" tanong ni kyung.

"Alam kong delikado pag pinatay natin sila ng nandito si megan pero wala na tayong magagawa it's either na patayin natin sila o tayo ang mapapatay" mahabang lintaya ko.

"Umupo kayong lahat dito! Isang making galaw niyo lang ay di na ako magdadalawang isip na patayin kayong walo!" sigaw ni brylan.

Naglakad sila kyung sa gitna ng bodega na ito at ibinaba ako ni kyung at pinaupo napapagitnaan ako ni kyung at kyoya nasa likuran ko ay si  megan na pinapagitnaan ni james at keigen katabi ni keigen ay si sofia at katabi naman ni kyoya ay si Nicole.

Kaharap ko ngayon ay si brylan kaharap din ni megan si jacob at kay keigen naman ay si gian.

"Megs" mahinang bulong ko hindi naman kami ata maririnig ng tatlo dahil busy sila sa pag uusap.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A DISASTER BETWEEN THEIR HAPPINESSWhere stories live. Discover now