JUSTINE MAY'S [JM] POV:
Taeng babaeng yun nagdadrama na naman pagkapasok ni megan sa kwarto namin ay susundan sana siya nina keigen at james pero pinigilan ko silang dalawa.
"Wag na ako na lang ang kakausap kay megan" sabi ko sa dalawa.
"Pero-"
"Wag na kayong umangal at baka masapak ko kayo ng wala sa oras!" pagbabanta ko sa dalawa.
Wala na silang nagawa kundi ang sumunod takot lang nila sa akin.
Agad akong pumunta sa kwarto namin at binuksan ko yung pinto ng kwarto hindi naman kasi naglalock ang babaeng yun.
Pagkapasok ko agad ko namang sinara ang pinto at pumunta kay megan umupo ako sa tabi niya at umiiyak pa rin si megan.
"Megan" pagtawag ko sa kanya.
Pero wala siyang response at pinipigilan niya ang kanyang pag hikbi.
"Megan alam kong gising ka umayos ka kung ayaw mong masapak kita! Bilis umupo ka at mag-uusap tayong dalawa" sabi ko sa kanya na may pagbabanta.
"Naman jm eh! Kitang nage-emot ako" sabi ni megan while wearing her fake smile.
"Alam mo megs kung hindi lang talaga kita kaibigan iisipin ko na totoo yang mga ngiti mo" sabi ko sa kanya.
"Naman eh!!" sabi niya ng nakapout.
"Umayos ka wag kang mag pout!" saway ko sa kanya.
"Bakit cute ba ako?" excited na tanong niya.
"Hindi nagmumukha kang pato sa ginagawa mo!" sabi ko sa kanya.
"Nakakainis ka ha!" megan.
"So? Sino yung lalaking yun at bakit girlfriend ang tawag niya sayo?" tanong ko.
"Yung lalaking yun ay si Jian talagang may sayad lang siya kaya ganun yung tawag niya sa akin sarap nga upukan ang ugok na yun kasalanan niya to kung bakit ako pinagalitan ni keigen at ni james pag nagkita talaga kami sasapakin ko talaga"pagpapaliwanag ni megan.
YOU ARE READING
A DISASTER BETWEEN THEIR HAPPINESS
RandomGrupo ng mga kabataan na gustong magkaroon ng adventure ano kaya ang mangyayari sa kanila Magiging masaya? O Isang trahedya?