"Okay ka na?" I asked and felt Gio nod. I leaned away from her before I wiped her tears with my palms. "Pasensya ka na wala kasi akong panyo, eh," I said. "H'wag kang mag-alala, I am sure magsisisi rin 'yun kung bakit ka n'ya ipinagpalit sa iba. Gagawin ko ang lahat balikan ka lang n'ya."
"Napaka-supportive mo," she said with a wan smile.
"Ganito talaga ako kapag gutom. Mayamaya nito mananapak na ako," I kidded.
She gave me a weak laugh.
"Kaya mo bang umuwing mag-isa?" I queried.
"Bakit, ihahatid mo ako?" she said.
"Hindi kasi wala naman akong kotse at kahit may kotse ka, hindi naman ako marunong magmaneho. Tinatanong ko lang naman kasi gusto kong malaman mo na kahit ipinagpalit ka na ni Leslie sa ibang tao, meron pa namang katulad ko na kaibigan mo na nag-aalala sa'yo."
"Moira, h'wag kang sweet sa akin, baka ligawan kita nang totohanan makalimot lang."
"Naku, 'yan ang h'wag na h'wag mong gagawin. Virgin kaming dalawa ng puso ko, ano, maawa ka naman," I jokingly replied
She chuckled.
"O, s'ya, dahil naglalandi ka na ay siguro okay ka na nga. Pwede na ba akong umalis kasi hinihintay na ako ng tinapay ko?"
"Sorry talaga—"
"Okay nga lang, puso first before bituka. Una na ako, ha. Medyo gabi na rin kasi kaya kailangan ko nang umuwi."
"Halika na."
"Saan tayo?"
"Kakain 'tapos ihahatid kita."
"Ayoko nang kasama kang kumain, parating napupurnada, eh," I said as we started walking and she laughed softly then sighed. "Mahal na mahal mo s'ya, Gio, ano?"
She hesitated before she turned her head to hold my gaze. "Oo..."
"I think what is so hateful about love is how undiscriminating it is in wreaking havoc – it breaks the gentlest of souls the same way it shatters the hardest of hearts."
"Ang lalim naman n'yan."
"Mas malalim 'yung hinanakit mo. Natakot nga ako bigla, eh, dahil baka magsasayang ka lang ng pera sa akin. Sa ganda ba naman n'ung ex mo, pang-Miss Universe dapat ang level ng susunod mong girlfriend. Nasubukan mo na bang i-contact si Pia Wurtzbach o si Catriona Gray? Baka pwede sila?"
"Bakit ko pa 'yun gagawin samantalang nandito na sa tabi ko si Moira Gokongwei?"
"Asus. H'wag mo na akong bolahin, Gio. Sapat na 'yung ibabayad mo."
"Talagang pera-pera lang?"
"Bakit, feelings-feelings ba gusto mo?"
"Papayag ka ba naman?"
"Ano ako tanga? Kita ko na ngang halos mamatay ka na dahil sa Leslie na 'yun ay talagang mag-aaksaya pa ako ng feelings sa'yo? Hindi na, ano."
"Grabe ka naman."
"But that doesn't mean we're not friends, ha. Magkaibigan tayo. Iyan 'yung isang bagay na ibibigay ko sa'yo nang buong-buo."
"Salamat."
"Walang anuman. Kayo pala ang gumawa ng building na ito?"
"Oo. Construction firm ang negosyo ng pamilya ko."
"Ang galing n'yo naman. Alam mo kapag ako yumaman, real estate ang papasukin kong business."
"Mangyayari 'yan."
BINABASA MO ANG
My Greatest What If - Moira Gokongwei (Published)
General FictionLove...does it really conquer all?