"Nag-iisip ng ibabanat 'to," Gio remarked as I continued to gawk at her. "Tongue-tied ka na n'yan?" she teased.
I frowned. "Bakit? Dahil inamin mong pinagnanasahan mo ako?"
She gave me a wink. "Lakas naman. Inamin talaga?"
"Matagal ko na kayang nahahalatang tindi ng desires mo sa akin. Well, wala akong magagawa, ang ganda ko, eh," I said.
We both doubled over in laughter.
"Iba ka, Moira Gokongwei!"
"Naman. Ako pa ba? Sa tingin mo naman ikahihiya ko ang ganda ko? Besides, alam nating dalawang inaaliw mo lang ang sarili mo dahil matindi 'yang sakit na nararamdaman mo."
"So, pinagbibigyan mo lang ako?" she asked.
"Oo, mabait kasi akong kaibigan. Pagbibigyan kita hanggang gusto mo. Magsawa ka sa kalalandi sa akin. Tingnan natin."
"Anong tingnan natin?"
"Tingnan natin kung sinong unang mag-fall."
"'Yan tayo, eh!" She laughed hard.
"Hindi mo ako mauuto, Gio. Try ka lang nang try. Malay mo naman."
"Sigurado ka d'yan?" she asked with a wicked grin. "Kaya mong panindigan 'yan?"
"Gio, ako anak ako sa labas. Tingnan mo naman kung anong nangyari sa buhay ko dahil sa pag-ibig na 'yan. Kung magmamahal ako, gusto ko ako lang at ayokong may kahati. Sa dinami-dami ng lalaki—"
"At babae."
"At babae," I added with a nod. "Sa dinami-dami ng lalaki at babae sa mundo, maghahanap pa ba ako ng may ibang mahal? Hindi naman ako gan'yan kabobo."
"Pinaparinggan mo ba ako?"
"Tinamaan ka ba?"
"Medyo."
"If the shoe fits."
"Pero, hindi mo 'yan masasabi, Moira. Alam mo kung bakit? Kasi kapag nagmahal ka hahamakin mo lahat."
"Siguro para sa'yo ay gan'un dahil meron ka na lahat, eh – may pera ka, may pamilya, may mga kaibigan, lahat ng gusto mong bilhin nabibili mo at 'yung pag-ibig na lang 'yung kulang kaya naman bibong-bibo ka sa pagpapakatanga."
"Aray."
"Umilag ka naman kasi, Friend," I said.
"Bumusina ka muna kasi."
"Sige, next time," I flippantly said.
She laughed.
"Ako, ibahin mo ako. Praktikal ako. Uunahin ko pa ba 'yang love-love na 'yan, eh, wala nga akong pang-enrol?"
"Ahh...so, you're waiting for your Prince Charming? 'Yung taong perpekto. 'Yung tipo ng taong matalino, mabait, masipag, mayaman, at in love na in love sa'yo. Gan'un? May kilala ka bang gan'yan?"
"Oo," I readily replied.
"Sino?" She sounded surprised.
"Ikaw," I said.
"Ha...?"
"Oo, ikaw. Ma-in love ka lang sa akin ay ikaw na 'yun, eh," I jested
She looked at me in disbelief. "Wait—"
I laughed out loud. "Uyy...affected."
She gaped at me as I continued laughing.
"Gumaganti ka, ah..." she said with a small smile on her face.
BINABASA MO ANG
My Greatest What If - Moira Gokongwei (Published)
General FictionLove...does it really conquer all?