"Ang tindi ng pagtaas ng kilay mo," Gio commented with a small laugh. "Dapat na ba akong matakot?"
"Masyado akong maganda para gawing panakip-butas. Let us talk about this set-up once and for all. Girlfriend mo ako sa papel, pwede tayong magpirmahan ng kontrata kung gusto mong makasigurado. Kaibigan mo ako sa totoong buhay at paninindigan ko 'yan. Ayoko nang nilalandi, Gio—"
"Dahil ganito ako? Hindi mo nasisikmura ang ganitong relasyon?" she asked cutting me off.
I frowned. "Anong kinalaman ng pagkatao mo sa lovelife ko? Wala. Wala akong pakialam kahit Shih Tzu ka. Ayokong nilalandi mo ako dahil alam nating dalawa na may mahal kang iba. Tinutulungan kita ngayon kasi pareho nating kailangan ang tulong ng isa't isa pero hanggang doon lang 'yun at sana klaro 'yan. I don't want that line between us to turn blurry kasi ayokong mailang sa'yo, okay?"
"Okay." She nodded smiling. "Well, at least malinaw. Halika na, ihahatid na kita."
We left the restaurant in silence. I wasn't sure if I had offended her and I felt bad thinking that I did. I glanced sideways at her but she seemed too preoccupied with driving.
"Galit ka ba, Friend?" I softly asked.
She shook her head. "Hindi."
"Naiinis ka ba?"
"Hindi."
"Bakit hindi ka na nagsalita?" I queried.
"Kailangan ko bang magsalita?" she replied.
"Eh, 'di, galit ka nga."
"Hindi nga," she repeated.
"Ano pala?"
"Nahihiya ako sa'yo."
"Dahil?"
"Because I tried taking advantage of your kindness. Ni-reject mo na nga ako n'ung una, inulit ko pa talaga. Sorry, Moira. Pasensya ka na."
"It wasn't a rejection, it was just a reality slap. Hindi mo matatakasan 'yung feelings mo kay Leslie. Kailangan mong harapin 'yun at kailangan mong kumawala d'un nang kusa hindi dahil may nahanap kang panakip-butas kundi dahil sa wakas ay nagising ka na rin sa katotohanang hindi ka na n'ya mahal."
"Minahal naman n'ya ako."
"Oo naman. Tatlong taon pa rin 'yun at naniniwala ako na sa loob nang tatlong taon na 'yun, minahal ka rin naman n'ya nang totoo. 'Yun nga lang, sa huli, ipinakita rin n'ya sa'yo na may mas mahal s'yang iba," I said.
She gave me a sad smile. "Tama ka."
"Salamat sa dinner, ha. Mag-ingat ka parati. Kung kailangan mo ng kausap ay tumawag ka lang—"
"Teka, bakit ka nagpapaalam? Hindi na ba tayo magkikita ulit? Lalayuan mo ba ako?"
"Hindi. But the deal is off. H'wag mong sayangin ang pera mo dahil halata namang walang maitutulong itong ganda ko sa'yo. You have to do this on your own."
Gio slowed the car down before she stepped on the brakes. "Shit, Moira, ano ba, nakikipaghiwalay ka ba sa akin?"
"Hala, okay ka lang?"
"Ang labo mo, eh."
"Ay, apir, nalalabuan din ako sa'yo. Anong hiwalay ang sinasabi mo? Sinagot ba kita?"
"Hindi ba? I already introduced you as my girlfriend 'tapos biglang ayaw mo na? H'wag mo naman akong masyadong pagmukhaing loser. Ano 'yun, kapag nagkita-kita kaming magbabarkada at itanong ka nila sa akin, anong sasabihin ko?"
"Hindi ko pa naman nakilala ang barkada mo."
"But I already introduced you to Leslie."
Badtrip na 'yan, puro Leslie na lang ang bukambibig nitong isang 'to, sarap busalan.
BINABASA MO ANG
My Greatest What If - Moira Gokongwei (Published)
General FictionLove...does it really conquer all?