Kumusta naman itong kausap ko, anong oras na ba? Baka naman scammer 'to o kaya ay...hay, naku, Moira, h'wag kang mag-isip nang ganyan. Bad 'yan. Mabait na tao 'yun. Besides, you need the money. Kailangan mong mag-enrol or else lalong magiging isang malaking trahedya ang buhay mo kung hindi ka makakapagtapos. Isang taon na lang, o, ngayon ka pa ba susuko?" I told myself before I glanced at my cellphone's digital clock.
At bakit naman daw s'ya late? Nakakahiyang umupo rito nang hindi nag-o-order, I grumbled as I again smiled politely at the stiff-backed waiter who was standing a few meters from where I was seated.
Ito namang si Kuya, kung makatingin sa akin, parang itatakbo ko 'yung mantel ng mesa nila.
Hindi ako sosyalera kahit na nakatira naman ako sa isang magarang bahay sa loob ng isang exclusive subdivision; kahit na kaapelyido ko ang isa sa pinakamayamang pamilya ng bansa at kahit na nag-aaral ako sa isang mamahaling kolehiyo. Aliping sagigilid lang ako. Kung meron pa ngang mas bababa pa sa pagiging alipin ay baka ako na 'yun.
"Are you ready to order now, Miss?" the waiter asked giving me a stern smile.
"Not yet. I am still waiting for my companion," I politely replied. "A glass of water please."
He arched his brow slightly before he bowed and left.
"Kapag yumaman ako, bibilhin ko itong restaurant na 'to and I will freaking fire you!" I muttered under my breath desperately trying but splendidly failing to hide my increasing humiliation.
Pucha, ang hirap maging mahirap sa bansang ito. Kulang na lang ipagtabuyan ka ng ibang tao dahil alam nilang wala kang salapi at wala silang mahihita sa'yo.
Bakit naman kasi ang tagal n'un? I annoyingly thought before I checked my phone's message box again.
Gusto ko man s'yang tawagan ay wala akong load kaya wala akong ibang magawa kundi ang maghintay, magpakabusog sa tubig, at ngitian ang waiter na wala nang ginawa kundi taas-taasan ako ng kilay.
I nearly cried with relief when my phone started ringing. "Hello?"
"Hi, Moira. I am so sorry for being late. Siguro I'll be there in 10 minutes. The traffic is really heavy—"
"Dapat singilin na kita ng per ora, eh. Ano ba 'yan, magdadalawang oras na ako rito. Kumusta ka naman," I said and heard a laugh on the other line.
"Pasensya ka na—"
"Hindi ko kailangan ng pasensya, ano. Gutom na ako at sa mahal ng mga pagkain dito ay baka nga ultimo toothpick hindi ko pa ma-afford," I said.
I heard another burst of laughter.
"At tinawanan pa raw ako ng isang 'to."
"I'm so sorry. I feel bad for making you wait but I really find you funny, too. Sorry ulit. Mag-order ka lang, ako ang magbabayad tutal ako naman ang nagsabing d'yan sa restaurant na 'yan tayo magkita."
"Ayoko, ano. Mamaya hindi ka sumipot at paghugasin ako ng pinggan."
"At bakit naman daw kita hindi sisiputin? Napakasama ko namang tao kung gagawin ko sa'yo 'yun."
"Whatever, Gio. Pwedeng bilisan mo na lang? Please?"
"Okay, okay. Pasensya na."
"Pasensya na ka d'yan. Kaya ka hiniwalayan n'ung jowa mo, eh, parati ka sigurong late."
"Naku, hindi, uy. Ngayon lang ako na-late."
"Sus. O, s'ya, sige at sayang ang load."
"Ako po ang tumatawag."
BINABASA MO ANG
My Greatest What If - Moira Gokongwei (Published)
Ficción GeneralLove...does it really conquer all?