Ayokong Maging Masaya

25 0 0
                                    

Ayokong maging masaya.
Ayokong malunod sa lalim ng mga katagang mahal kita.
Ayoko.

Ayokong mahibang.
Sa kasinungalingan at pangako ng tayo lang,
O ng ako lang.
Ayoko.

Ayokong magkaroon ng karapatan,
Sa iyo o sa kung sino man.
Ang itali ang sarili ko at igapos sa sumpaang walang laman.
Sa paniniwalang magiging masaya ako, kahit hindi naman.
Ayoko.

Ayokong maging masaya.

Hindi ko gugustuhing masaktan ka, sa kagustuhan mong sumaya ako.
Na ang bawat pagngiti ko ay siya namang pagpatak ng luha mo.

Ayokong makulong sa isang hawla ng pekeng pagibig.
Na sa huli ay paluluhain ka lamang, matapos maubos ng kilig.

Ayokong umasa sa mga pangako mong dala.
Ang masaktan sa pagbali mo ng sarili mong mga salita.

Ayokong maging masaya.
Ang gusto ko ay mag isa.

Ang gusto ko ay maging miserable.
Ang tanggapin na kailanma'y, hinding hindi ka bababa mula sa puti mong karwahe.

Ang gusto ko ay sampalin ng katotohanan.
Kaysa haplusin ng mga kabutuktutan mong ako lamang.
Ang mamahalin mo.
Dahil alam ko.
Na hindi iyan totoo.

Ayokong maging masaya.

Ang nais ko ay mabuhay ng wala ka.
Ang mahanap ang silbi ko ng hindi ka kasama.

Ayokong umasa.
Ayokong maging masaya.

Kamisetang PutiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon