MULING tinangka ng labing-tatlong taong gulang na si Seth na haplusin ang basang pisngi ng batang babae nasa harapan niya nang mga sandaling iyon. Subalit walang ibang ginawa ang kamay niyang iyon kundi ang manlamig at manginig. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi pa nangyari sa kanya ang ganoon pagdating sa ibang tao. Tanging si Czarina—ang batang babaeng nasa harapan niya—ang nagbigay ng ganoong epekto sa kanya. Pakiramdam niya ay tila sinasakal ang puso niya sa nakikitang pagpatak ng mga luha nito. Pero wala naman siyang ibang magawa kundi ang panoorin lang ito sa patuloy nitong pag-iyak.
Papahirin lang naman niya ang mga nagbabagsakang luha nito. Wala namang mahirap doon, 'di ba?
"Ang daya mo naman. Ang sabi mo, hindi ka aalis dito. 'Di ba, nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan dito na malungkot," sumbat ni Czarina na nagbalik sa isipan niya sa kasalukuyan.
Oo nga at nangako siya rito nang ganoon. Pero paano ba niya sasabihin rito na wala siyang ibang choice kundi baliin ang ipinangako niya rito in the process?
"Czari... I'm sorry..." Iyon lang ang kaya niyang sabihin bilang pagkonsola rito kahit alam niyang hindi magiging sapat iyon.
Hindi niya gustong isipin na hindi na siya muling makakabalik pa sa Altiera, ang bayang nagsisilbing kanlungan ng kanyang mga alaala kasama ang babaeng unang nagparanas sa kanya kung paano ba ang magmahal. Ayaw niyang tuluyang tanggapin na hindi na niya muling makikita si Czarina kahit kailan.
Wala sa sariling napahawak siya sa strap ng slingbag na dala niya. Hanggang may naalala siya. Agad niyang binuksan iyon at may kinuha roon. Isa iyong lavender shawl na ipinasadya pa niya para lang kay Czarina. Nakangiti kahit kinakabahang inabot niya iyon kay Czarina na patuloy pa rin sa pagluha.
Kinuha niya ang isang kamay ng dalagita at inilagay sa palad nito ang shawl.
"Para saan ito?" sumisinghot na tanong ni Czarina sa kanya. Magkaganoon man, ang cute pa rin nito sa paningin niya. Lihim siyang napangiti nang maluwang.
Subalit hindi iyon ang ipinakita niya rito. Bagkus ay isang masuyong ngiti ang iginawad niya sa babaeng kaharap. "Isuot mo ito every night o kung nilalamig ka. Isipin mo na ako ito na yayakap sa iyo. Gagawa ako ng paraan para makabalik dito sa Altiera at ito ang gagamitin kong gabay para makita kang muli. Gusto kong magkaroon ng palatandaan na ikaw nga si Czarina Almendarez, ang babaeng naging espesyal sa akin sa mga panahong ito..." madamdaming saad niya at saka niya ito niyakap nang mahigpit. Sa totoo lang, ayaw na niyang pakawalan ito sa mga bisig niya. Pero wala siyang magagawa. May obligasyon siya bilang isang Alarcon. Hindi niya puwedeng talikuran iyon nang basta.
"Natatakot ako, kung alam mo lang. Aminado naman akong hindi ako matandain pagdating sa mukha. Kaya nga natatakot ako na baka dumating ako sa punto na pati mukha mo, hindi ko na matandaan." At hindi siya nagsisinungaling. Sa isiping iyon, humigpit ang yakap niya kay Czarina. "But I'll do whatever it takes not to let that happen. I promise you, Czari."
"Kaya ba ibinibigay mo sa akin ang shawl na ito?"
"It's a custom-made shawl, Czari." Pinakawalan niya ito sa kanyang mga bisig at hinawakan ang dulong bahagi ng shawl. Nasa bahaging iyon ang mga salitang nakaburda.
To the one special in my heart, C. A.
"Ito at ang mga katagang ito ang gagamitin kong palatandaan upang mahanap kita at makita kitang muli. Makikita't makikilala kita sa oras na suot mo ito. Wear it every night for the next coming months. I promise I'll do my best to come back here. Can you promise me that, Czari?" Alam niyang nasa tono niya ang pagsusumamo at pag-asam.
Ilang sandaling katahimikan lang ang namagitan sa kanila bago ito tumango. Labis niyang ikinatuwa iyon. Niyakap niya itong muli bilang tugon. Ginantihan naman nito iyon.
Underneath the starry night sky of that one summer, a promise had been made. It was a promise that Seth was going to fulfill whatever it takes.
"Babalik ako rito, Czarina..." pangako niya sabay higpit pa ng yakap niya rito.
BINABASA MO ANG
✔ | HERE'S MY HEART BOOK 1: Finding A Special Heart
Romance『COMPLETE』 Malaking bahagi ng buhay ni Seth ang iginugol niya sa paghahanap sa isang babaeng bumago sa buhay niya may labing-tatlong taon na ang nakararaan. Hindi siya tumigil dahil hindi pumayag ang puso niya na gawin iyon. At alam niya na hindi m...