TENSYUNADO at tila nakakailang na katahimikan ang tanging nakapalibot kina Czarina at Seth na naroon pa rin sa tabi ng lawa. Siya ay nakaupo sa tuktok ng malaking bato samantalang si Seth ay nakasandal lang ang likod sa kaliwang gilid niyon. Manaka-nakang napapatingin sila sa isa't-isa pero agad din iniiwas kapag nagsasalubong ang mga tingin nila. They were in their mid-20s, for Pete's sake! Pero kung umakto sila, para silang mga teenagers.
Kagat-labing tinitingan na lang niya ang naka-bookmark na bahagi ng journal na hawak niya. Nakalagay ang isang floral bookmark sa bahaging kinalalagyan ng litrato nilang dalawa ng batang Seth.
Hindi pa rin talaga niya maintindihan kung paano siya nagawang mapanatili ni Seth sa lugar na iyon dahil sa pakiusap nitong iyon. Hindi niya nagawang tugunan ang sinabi nito. Namalayan na lang niya ang sariling umaakyat sa malaking bato at naupo roon. Pinakiramdaman na lang niya ang mabining pag-ihip ng hangin mula sa lawa habang nag-iisip ng susunod na gagawin o sasabihin sa taong malaki ang maaaring maitulong sa kanya.
Kaya lang, ginagawa na niya iyon ng humigit-kumulang tatlumpung minuto. Para bang wala ni isa sa kanila ang may balak maunang magsalita upang basagin ang katahimikang iyon. Pero sa totoo lang, hindi na niya matagalan iyon.
"What made you decide to stay?" Ang mahinang tanong na iyon ni Seth ang tuluyang bumasag sa katahimikan nilang dalawa.
Napatingin siya rito. It startled her to see that Seth was actually staring at her from his position with head raised.
"Hindi ko alam," pag-amin niya saka nag-iwas ng tingin rito. "Isa iyan sa mga tanong na hindi ko pa mahanapan ng sagot." Bumuntong-hininga siya at saka tiningnan ang journal na hawak. "Pero... alam kong mahalaga sa ating dalawa ang lugar na ito. Dito tayo nagkakilala, 'di ba?"
"Naaalala mo?"
Umiling siya at napatingin kay Seth. "Sana nga naaalala ko na. Para naman hindi ganitong nangangapa ako sa dilim. Hindi ganitong puno ang isipan ko ng mga katanungan. At hindi rin sana ganitong hindi ko maituloy ang isang bagay na dahilan kung bakit nag-aalinlangan ako ngayon."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"I'm totally confused." Napangiti siya nang malungkot. "Hindi ko alam kung matutulungan ba ako ng journal kong 'to noon para malaman ang mga sagot na hinahanap ko."
Hanggang sa mapaisip siya. How did she manage to blurt out all that to a stranger? Wait... Seth wasn't a stranger, according to him and her cousin. Pero hindi ito nakikilala ng isipan niya. Ibang usapan nga lang pagdating sa puso niya. May uri iyon ng pagkabog na tila nagsasabi sa kanya na kilala niya ito. Na may malaking bahagi ito sa buhay niya.
At iyon ang kailangan niyang malaman.
"Do you need any help?" kapagkuwa'y tanong ni Seth. Lihim niyang ikinagulat iyon. "Your journal isn't the only thing that could help you at least remember something, Czarina. I'm willing to help. That is, if you're willing to trust me despite..." Hindi na nito itinuloy ang sinasabi nito. Sa halip ay tumingin na lang ito sa lawa.
Napipilan siya. Hindi niya mahagilap sa isipan ang tamang sasabihin. Pero naintindihan niya ang gusto nitong ipunto. Knowing that, she realized that her old journal wasn't the only one that could help her. There were others, as well. At isa na nga roon si Seth Alarcon—na nalaman niyang kababata't unang pag-ibig din pala niya na nagbigay ng lavender shawl na paborito niyang gamitin sa bawat gabing lumilipas.
It was just a matter of actually allowing him to help her at least recall those lost memories. Could she really trust him with that? Katahimikan ang muling bumalot sa kanilang dalawa. Sa gitna ng pagdedebate ng kanyang isip at puso kung magtitiwala ba siya kay Seth o hindi, napatingin siya sa lalaki. Ang matamang tingin nito ang tuluyang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na sundin ang desisyong nabuo matapos ang debateng iyon.
BINABASA MO ANG
✔ | HERE'S MY HEART BOOK 1: Finding A Special Heart
Romance『COMPLETE』 Malaking bahagi ng buhay ni Seth ang iginugol niya sa paghahanap sa isang babaeng bumago sa buhay niya may labing-tatlong taon na ang nakararaan. Hindi siya tumigil dahil hindi pumayag ang puso niya na gawin iyon. At alam niya na hindi m...