Chapter 5

9 1 0
                                    

"ALAM mo, nakakainis ka na. Sa totoo lang."

Napansin ni Czarina na tila napapitlag si Seth nang marinig nito ang sinabi niyang iyon. Well, she said it on impulse and was meant to be a joke. Iyon ay dahil na rin sa kakaibang ikinikilos nito kanina pa mula nang sunduin siya nito. Lagi na lang itong wala sa sarili. Kahit naman siguro sino ay maiinis kapag napansin iyon.

And yet she couldn't deny that she was worried for him because of that. Ano kaya ang nangyari at ganoon ang ikinikilos nito nang mga sandaling iyon?

"I'm sorry," tanging nasabi ni Seth at saka bumuntong-hininga.

Something's definitely wrong. "You know, hindi ko tuloy maiwasang isipin na pinoproblema mo na ang pagsama-sama mo sa akin," nakasimangot na saad niya.

"What? No! That would never happen."

It looked like she got his attention. "Eh bakit ilang araw ka nang wala sa sarili mo? Alam mo, kahit sino, iisiping napipilitan ka lang. Kasama nga kita, pero wala naman dito ang isipan mo."

Hindi umimik si Seth, tila tinamaan sa sinabi niya.

"It's not that I was forced to do this. Hindi ko lang talaga maiwasang mag-alala tungkol sa... mga bagay-bagay."

"Halata namang may iniisip ka, eh. Kaya nga lagi kang wala sa sarili mo. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala para sa iyo." And then it hit her. What in the world did she say to him?

"Nag-aalala ka sa akin?"

Napansin niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito, pati na rin ang pagngiti nito. Pero alangan namang bawiin pa niya ang mga sinabi niyang iyon? Totoo naman ang mga iyon.

"Bakit? Masamang mag-alala para sa iyo? Hindi naman ako manhid para hindi makaramdam ng pag-aalala, 'no? That's what friends do, right?"

"Oh..." At bumalik ang pagiging seryoso ng mukha nito. Idagdag pa na tila may dumaang lungkot sa mga mata nito.

Ano ba 'to? May nasabi pa yata akong hindi maganda, ah. Ngali-ngaling pukpukin niya ang ulo nang paulit-ulit. Hindi nakaligtas sa kanya ang paghinga nito nang malalim. Seriously, ilang beses na ba nitong ginawa iyon sa araw na iyon?

"What's that on the box?" tanong ni Seth kapagkuwan. The look on his face was passive.

Napatingin siya sa box na hawak niya. Saka lang niya naalala na may dala-dala pala siya. Iniabot niya iyon dito. "I made this for you."

"For me?" With a skeptical look, he took it from her hand.

Pero sa dagling pagdidikit ng mga daliri nila, that same electric sensation she always felt whenever their skin touched coursed through her veins. Hindi nga lang alam ni Seth na ang kasabay niyon ay ang biglang pagwawala ng puso niya. Ang weird nga, eh. Their fingers just touched. How come she had to feel all that?

Hindi niya maiwasang kabahan habang tinitingnan nito ang laman ng cake box.

"Wow! A sponge cake. Favorite ko 'to, ah," natutuwang saad nito at saka siya tiningnan. "Ikaw ang gumawa nito? Thank you. You have no idea how long it has been since last ate sponge cakes."

"I'm glad you like it." Nakahinga siya nang maluwag. Sa totoo lang, ilang oras pa niyang pinag-isipan bago siya umalis sa kama kung anong klaseng cake ba ang gagawin niya. Until she remembered an entry written in her journal about Seth's favorite dessert.

When they reached the lake where they decided to stay for a while, kapansin-pansin sa kanya ang kakaiba namang kasiyahan nito habang hawak-hawak ang cake box. Hindi tuloy niya napigilang matawa, bagay na napuna ni Seth at napatingin sa kanya.

✔ | HERE'S MY HEART BOOK 1: Finding A Special HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon