Chapter 10

12 1 0
                                    

WALA sa sariling nag-angat ng tingin si Seth nang marinig ang malakas na pagbalya sa pinto. Kumunot ang noo niya nang magawang mahimasmasan at makita ang paglapit bi Chris sa puwesto niya. Naroon siya sa sa mini-bar ng mansiyon kung saan ilang araw na rin niyang pinagtatambayan iyon. Walang araw na hindi siya naging laman niyon at patuloy lang sa paglalasing.

Iyon lang ang paraan upang pamanhirin niya ang sarili—lalo na ang kanyang puso—sa sakit na nararamdaman. Sa bawat araw na magdaan, patindi nang patindi ang sakit na tumutupok sa kanya dahil sa desisyong pag-iwas kay Czarina. Kahit ilang beses niyang ipilit sa sarili na tama lang ang ginawa, naghuhumiyaw pa rin ang puso niya sa pagtanggi na iyon ang dapat.

Hindi na talaga niya alam kung ano ang gagawin.

Bumuntong-hininga si Seth at tumayo mula sa kinauupuan. Pero hindi pa man tuluyang hinaharap si Chris ay inundayan na siya nito ng suntok sa mukha na ikinatumba niya. Hindi niya napaghandaan iyon. Idagdag pa na lasing siya.

"Hindi ko akalaing ako na kaibigan mo, paglilihiman mo," puno ng pait na wika ni Chris. "Kailan mo pa ako niloloko, ha? Hanggang kailan mo itatago sa akin ang katotohanang matagal na kayong may ugnayan ni Czarina?"

Bagaman natigagal, hindi ipinahalata ni Seth iyon.

"Bakit hindi ka magsalita?!" bulyaw na ni Chris.

Wala na nga sigurong silbi kung itago pa niya ang totoo. Chris demanded the truth from him. Mas mabuti na rin siguro na sabihin niya rito ang lahat. Oo, alam niyang masasaktan ang kaibigan. Pero kahit masakit, iyon pa rin ang paraan para palayain ang sarili sa guilt na nararamdaman.

"Hindi kita niloko, Chris. Nagkataon lang na minahal ko na si Czarina noon pa, bago pa tayo nagkakilala. Matagal na panahon na. Bumalik ako rito sa Altiera sa kagustuhan kong tuparin ang ipinangako ko sa kanya bago ko lisanin ang lugar na 'to 13 years ago," pag-amin niya at tiningnan si Chris. Kitang-kita sa mga mata nito ang sakit bago nag-iwas ng tingin. Kahit nahihilo ay pinilit pa rin niyang tumayo.

"I didn't tell you the truth about it dahil nawalan ako ng lakas ng loob. Oo, duwag na ako kung duwag. Aaminin ko 'yon. Pero hindi ko na nagawang labanan ang matagal ko nang nararamdaman para kay Czarina. Kahit sabihin pang naging masakit para sa akin dahil sa pagkalimot niya, hindi naging hadlang iyon para iparamdam ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko noon pa. But when you told me na nililigawan mo siya at nang dumating ka na rito, I can't help fearing that the same event from the past will happen again. Iyon ang dahilan kung bakit ako umiwas kay Czarina at sa 'yo na rin."

Ilang sandaling katahimikan ang pumalibot sa kanilang dalawa bago marahas na bumuntong-hininga si Chris at napasabunot sa buhok nito.

"Do you have any idea kung gaano kahirap sa akin na tanggapin ang mga pinagsasasabi mo ngayon, Seth? Ha?!" Muli ay inundayan siya ng malakas na suntok ni Chris na ikinatumba na naman niya.

Pero gaya ng nauna na nitong suntok sa kanya, hindi na siya nanlaban pa. Tatanggapin niya ang galit nito dahil sa paglilihim na ginawa. But he would never apologized for loving Czarina despite having a knowledge about Chris' feelings for her.

"Damn it! Bakit ikaw? Bakit ikaw pa na kaibigan ko ang kailangang gumawa sa akin ng ganito? Why does she have to love someone who happens to be my best friend?" May luha na sa mga mata ni Chris. Pero wala roon ang atensiyon ni Seth.

'Love someone... who happens to be my best friend'? Mahal siya ni Czarina? Totoo ba 'yon? Gusto man niyang magdiwang, hindi pa 'yon ang tamang sandali. Those words had brought pain to Chris's heart. He had to remember that.

Hindi na lang siya umimik dahil baka kung ano pa ang mangyari. Tama na ang sakit na nararamdaman ng kaibigan dahil sa natuklasan. Kung sana ay may paraan lang para magawa niyang pawiin ang sakit na nararamdaman nito.

✔ | HERE'S MY HEART BOOK 1: Finding A Special HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon