PANAHON: nakaraang linggo.
LUGAR: isang mataas na daan.
UNANG MANLALAKBAY.
PANGALAWANG MANLALAKBAY.
ANG KARPINTERO.
(Naglalakad sa daan ang DALAWANG MANALALAKBAY. May palakol na nasa lupa sa isang tabi.)
UNANG MANLALAKBAY: (mapapatingin sa palakol; kikilos para kunin iyon.) Ah, tingnan mo ang natagpuan ko!
PANGALAWANG MANLALAKBAY: Huwag mong sabihing ko, kundi sa halip ay kung ano ang natagpuan natin.
UNANG MANLALAKBAY: Kalokohan! Hindi ba ako ang unang nakakita sa palakol? At hindi ko ba pinulot ito?
PANGALAWANG MANLALAKBAY: Ay, kung gayon, sa iyo na ang palakol, yamang iyon naman ang iyong gusto.
(Papasok ang KARPINTERO.)
KARPINTERO: (sa Unang Manlalakbay) Aha, magnanakaw! Huli na kita ngayon!
(Susunggabin niya ang Unang Manlalakbay.)
UNANG MANLALAKBAY: Hindi po ako magnanakaw!
KARPINTERO: Pero nasa iyong kamay ang aking mismong palakol, ginoo. Halika na sa hukom, ginoo!
UNANG MANLALAKBAY: (sa Pangalawang Manlalakbay) Naku po, patay tayo!
PANGALAWANG MANLALAKBAY: Huwag mong sabihing tayo. Ikaw ang patay, hindi ako. Ayaw mong makihati ako sa premyo; huwag mo akong asahang makikihati sa panganib. Magandang araw sa iyo, ginoo.
BINABASA MO ANG
Mga Dulang Pambata
General FictionSalin sa Tagalog ng unang libro ng Children's Classics in Dramatic Form ni Augusta Stevenson, na nasa public domain na ngayon. Naglalaman ito ng koleksyon ng mga klasikong kwento ni Aesop, ni Hans Christian Anderson, ng Brothers Grimm, at ng marami...