ANG MAPANGIT NA SISIW NA PATO

844 2 0
                                    

UNANG EKSENA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

UNANG EKSENA

PANAHON: isang umaga sa tag-init.

LUGAR: sa patyo ng bahay sa bukid ng pamilyang Moore.

GINANG PATO.

UNANG SISIW NA PATO.

PANGALAWANG SISIW NA PATO

ANG MAPANGIT NA SISIW NA PATO.

PANGATLONG SISIW NA PATO.

PABO.

MAITIM NA GANSA.

PUTING GANSA.

MALAKING INAHIN.

PULANG TANDANG.

(Papasok sa patyo si GINANG PATO kasama ang kanyang MGA BAGONG SISIW NA PATO. Lalapit ang mga ibang ibon.)

PABO: (magpapakita ng pagkainis) Mga bagong sisiw na pato! Tingnan ninyong lahat--mga bagong sisiw na pato!

MAITIM NA GANSA: (maiinis din) Parang hindi pa tayo marami dito!

PUTING GANSA: (maiinis din) Oo nga,--halos wala na akong makitang sulok para sa aking siyesta!

PULANG TANDANG: Sa tingin ko, Ginang Pato, dapat hindi mo kami dinalhan ng mga bagong sisiw ngayong tag-init.

GINANG PATO: Ano iyang sinasabi mo?

PABO: Sa tingin naming lahat, ginang, wala nang lugar dito para sa mga bagong sisiw.

MALAKING INAHIN: Mga kaibigan, maging makatwiran kayo. May karapatan si Ginang Pato na dalhin ang kanyang mga sisiw dito. Isa pa, nakakatuwang tingnan ang mga bata.

GINANG PATO: Ang gaganda nila! Makikita ninyo mismo iyon. Halikayo, mga anak, humilera kayo!

(Hihilera ang mga sisiw na pato. Panghuli ang Mapangit na Sisiw na Pato.)

GINANG PATO: Ibuka ninyo ang inyong mga paa! Ngayon magsalita kayo nang maganda para sa aking mga kaibigan.

MGA SISIW NA PATO: (lahat maliban sa huli) Kwak! Kwak!

GINANG PATO: Ayan--hindi ba sila kasiya-siya?

MAITIM NA GANSA: (titingin sa bawat isa sa mga sisiw na pato) Aba, oo, mukhang kalugud-lugod naman silang lahat--dito--sandali lang! Sa iyo ba ang huling iyon?

(Titingin ang lahat ng mga ibon sa huling Sisiw na Pato.)

GINANG PATO: Oh, oo! Mas malaki siya sa mga iba at siguro hindi gaanong maganda, pero--

PABO: (sasabat) Huwag kang gumawa ng palusot para sa kanya, ginang. Nakikita namin para sa aming mga sarili kung ano siya.

MAITIM NA GANSA: Sa aking buong buhay, wala pa akong nakikitang ganyan kapangit!

Mga Dulang PambataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon