ANG BATANG BABAENG TUMAPAK SA TINAPAY

656 7 0
                                    

UNANG EKSENA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

UNANG EKSENA

PANAHON: araw bago sa Pasko.

LUGAR: bahay ng Ina ni Inge.

INGE

ANG KANYANG INA.

(Nakatayo sa bintana ng kusina ang INA at naghihintay para kay Inge.)

INA: Ah, heto na siya sa wakas!

(Isang sandali. Papasok si INGE.)

Ang tagal kitang hinintay, anak. Saan ka nagpunta?

(Tatahimik si Inge.)

Nagpunta ka ba sa Burol ng Mga Duwende? Sabihin mo sa akin.

INGE: (mag-aalangan) Sandali lang ako doon, inay.

INA: Inge! Inge! Ano ba ang sinabi ko sa iyo?

INGE: Naisip kong pumunta nang isang beses na lang.

INA: (magpapakita ng lungkot) Ah, Inge, iyan ang lagi mong sinasabi.

INGE: Wala namang masama sa pakikipag-usap sa mga duwende.

INA: At ako, na iyong ina, ay nagsasabi sa iyong mayroon.

INGE: Pero, inay, ang ganda nilang magsalita.

INA: (tatango) Oo! at iyon ang masama. Naglalagay sila ng masasamang kaisipan sa iyong ulo.

INGE: Sinasabi nilang pakikipagkaibigan ang dahilan kung bakit sila nagsasalita nang gayon.

INA: (nang galit) Pakikipagkaibigan! Pakikipagkaibigan ba ang sabihin sa iyong huwag kumuha ng kahoy?

INGE: Sinasabi nilang mapapapangit niyon ang aking mga kamay.

INA: Ay, tama na ang tungkol sa kanila at sa kanilang magandang pagsasalita! Hindi ka na pupunta doon ulit. Narinig mo ako, Inge?

INGE: (sisimangot) Opo.

INA: Ngayon dalhin mo ang tinapay na ito sa iyong may-sakit na tiya. Sabihin mo sa kanya na iyan ang kanyang regalo para sa Pasko.

INGE: Pero, inay, kakailanganin kong tumawid sa maputik na daan para makapunta doon.

INA: Ay, hindi ka naman asukal o asin.

INGA: Madudumihan ang aking mga sapatos!

INA: Iniisip mo ang iyong mga sapatos, at may sakit ang iyong tiya?

INGE: Maghintay tayo hanggang tagsibol at mawawala ang putik.

INA: Pagdating ng tagsibol, wala na ang iyong tiya! Heto ang tinapay--ngayon, pumunta ka na!

(Kukunin ni Inge ang malaking tinapay, at aalis na siya, pero hindi nang maluwag ang loob.)


Mga Dulang PambataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon