ANG MAIILAP NA SISNE

271 3 0
                                    

EKSENA I

PANAHON: matagal na panahon nang nakalipas

LUGAR: sa tabing-dagat

ELISA

ANG MABUTI

(Nakikita ang MABUTI na naglalakad sa tabing-dagat. Pumasok si ELISA mula sa gubat.)

MABUTI: Pagpalain ako! Ano'ng ginagawa ng munting batang babae sa malumbay na lugar na ito? At nag-iisa pa!

ELISA: Hinahanap ko ang aking labing-isang kapatid na lalaki.

MABUTI: Ah! Kung gayon siguradong ikaw ang Prinsesa Elisa!

ELISA: (nang malungkot) Oo, Mabuti.

MABUTI: At ang labing-isang kapatid na lalaki na hinahanap mo ay ang labing-isang maliit na prisipe!

ELISA: Oo; kilala mo ba sila?

MABUTI: Nakita ko sila sa eskwelahan isang araw. Nakasuot ang bawat prinsipe ng gintong korona sa kanyang ulo, ng bituin sa kanyang dibdib, at ng espada sa kanyang tagiliran.

ELISA: (tumango) Nag-aral sila nang lubhang mabuti, tulad lang ng dapat gawin ng mga prinsipe.

MABUTI: Sumulat sila sa mga gintong pisara sa pamamagitan ng mga brilyanteng lapis. Ako mismo ang nakakita sa kanila!

ELISA: Umupo ako sa maliit na bangkitong salamin. Nalaman mo ba iyon?

MABUTI: Ay, oo! At alam ko ang tungkol sa iyong librong-panglitrato na nagkakahalaga ng kalahating kaharian.

ELISA: Ang sasasaya naming lahat noon! Buhay ang aming mahal na ina at kung minsan sumasama sa'min papunta sa eskwela. Ngayon nagbago ang lahat.

MABUTI: Ano'ng nangyari?

ELISA: Itanaboy nila kami mula sa palasyo.

MABUTI: (nang galit) Sabi ko na! Sa araw ng kasal na iyon sinabi ko ang gayon.

ELISA: Kung gayon alam mo na nagpakasal ulit ang aking ama?

MABUTI: Oo, alam ko. Umiyak ako nang marinig kong pinakasalan ng aming mabuting hari ang masamang reynang iyon.

ELISA: Itinaboy niya ang aking mga kapatid na lalaki, ng araw mismo ng piging ng kasal.

MABUTI: At ngayon itinaboy ka niya!

ELISA: (tumango) Kung mahahanap ko lang ang aking mga mahal na kapatid na lalaki!

MABUTI: Maaaring makarinig ka ng tungkol sa kanila sa madaling panahon.

ELISA: (nang mabilis) Alam mo ba kung nasaan sila? Sabihin mo! Pakiusap sabihin mo!

MABUTI: (umiling nang mahiwaga) Hindi ko masasabi kung nasaan sila. Alam ko lang kung mga ano sila.

ELISA: Hindi ko maintindihan--

MABUTI: Ginawa ng masamang reyna ang iyong mga kapatid na lalaki na maiilap na sisne

ELISA: Maiilap na sisne?

MABUTI: (tumango) Nakita ko sila kahapon, sa pagsikat ng araw, na lumilipad sa ibabaw ng dagat. Ang bawat sisne ay nakasuot ng gintong korona sa kanyang ulo.

ELISA: Hindi makuha ng reyna ang kanilang mga korona mula sa kanila!

MABUTI: Habang lumilipad ang mga sisne pataas, kumikislap ang kanilang labing-isang korona tulad ng labing-isang araw. Nasilaw ang aking mga mata. Napilitan akong umiwas ng tingin. Sa sandaling iyon nawala ang mga sisne.

Mga Dulang PambataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon