EKSENA I
PANAHON: isang umaga.
LUGAR: sa tindahan ng Tagagawa ng Sapatos.
LOLA.
KAREN.
TAGAGAWA NG SAPATOS
(Pumasok ang LOLA at si KAREN sa tindahan ng TAGAGAWA NG SAPATOS.)
LOLA: Ito ang aking munting apong si Karen, Tagagawa ng Sapatos. Pakikuha ng kanyang sukat para sa isang pares ng mga sapatos.
TAGAGAWA NG SAPATOS: Anong uri ang gusto mo, ginang?
LOLA: Moroko, ang pinakamainam na meron ka, isusuot ni Karen ang mga sapatos na ito sa simbahan.
TAGAGAWA NG SAPATOS: Anong kulay ang gusto mo, ginang?
LOLA: Itim.
KAREN: (bumulong sa Tagagawa ng Sapatos) Pula.
TAGAGAWA NG SAPATOS: (naguluhan) Ha?
LOLA: (mas malakas) Itim.
KAREN: (bumulong sa Tagagawa ng Sapatos) Pula.
TAGAGAWA NG SAPATOS: Siyempre, ginang, kung sabi mo itim, magiging itim sila.
KAREN: Ang munting prinsesa ay nagsuot ng mga pulang sapatos, Lola.
TAGAGAWA NG SAPATOS: (tumango) Totoo iyon; nakita ko sila sa aking sarili.
LOLA: Mga pulang sapatos?
KAREN: (tumango) Ng magandang pulang moroko. Pinatayo ng reyna ang prinsesa sa bintana para makita ng lahat ang kanyang mga bagong sapatos.
TAGAGAWA NG SAPATOS: Totoo lahat iyon, ginang.
LOLA: Hindi mahalaga; magkakaroon ng itim na sapatos si Karen.
(Kumuha ng isang pares ng mga sapatos)
Eto, tamang-tama sa akin ang pares na ito.
TAGAGAWA NG SAPATOS: (nagulat) Pero, ginang, ang mga sapatos na iyan ay--
KAREN: (sumabad; bumulong) Tahimik, Tagagawa ng Sapatos! Huwag mong sabihin sa kanya. Hindi siya nakakakita nang mabuti.
LOLA: (Ibinigay niya ang mga sapatos kay Karen.) Pinakinis na katad ba sila? Kumikinang sila na parang gayon sila.
KAREN: Oo; kumikinang nga sila.
(Sinubukan niya ang mga sapatos.)
At kasya lang sila sa akin, Lola.
LOLA: Kukunin ko sila, Tagagawa ng Sapatos.
TAGAGAWA NG SAPATOS: Pero, ginang--
KAREN: (sumabad; bumulong) Tahimik, Tagagawa ng Sapatos! Hindi niya malalaman ang pagkakaiba.
BINABASA MO ANG
Mga Dulang Pambata
General FictionSalin sa Tagalog ng unang libro ng Children's Classics in Dramatic Form ni Augusta Stevenson, na nasa public domain na ngayon. Naglalaman ito ng koleksyon ng mga klasikong kwento ni Aesop, ni Hans Christian Anderson, ng Brothers Grimm, at ng marami...