ANG KWENTO NI ALI COGIA

462 4 0
                                    

EKSENA I

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EKSENA I

PANAHON: isang gabi.

LUGAR: sa bahay ng isang mangangalakal sa Bagdad.

ANG MANGANGALAKAL.

ANG ASAWA NG MANGANGALAKAL.

(Naghahapunan ang MANGANGALAKAL at ang kanyang ASAWA.)

ASAWA: Nagdala ng ilang mainam olibo ang ating mga kapitbahay ngayong araw. Mahabang panahon na iyon mula ng makakain tayo ng mga olibo. Talagang nagugutom ako para sa kanila.

MANGANGALAKAL: Ngayong nagsalita ka tungkol sa mga olibo, naipaalala mo sa'kin ang bangang iniwan sa'kin ni Ali Cogia.

ASAWA: (nakaturo sa isang banga sa ibang bahagi ng silid) Ayun ang bangang iyon mismo na naghihintay sa kanya para sa kanyang pagbabalik.

MANGANGALAKAL: Siguradong patay na siya, yamang hindi pa siya bumabalik hanggang ngayon. Bigyan mo ako ng plato; bubuksan ko ang banga, at kung masarap ang mga olibo, kakainin natin.

ASAWA: Pakiusap, asawa, huwag mong gawin ang gayong kahamak na gawa. Alam mong walang mas sagrado kaysa sa iniwan sa pangangalaga at pag-iingat ng isang tao.

MANGANGALAKAL: Pero sigurado akong hindi na babalik si Ali Cogia.

ASAWA: At meron akong malakas na kutob na babalik siya. Ano'ng iisipin niya sa iyong karangalan kapag nalaman niyang nabuksan ang banga?

MANGANGALAKAL: Sigurado naman hindi binabantayan ang banga ng olibo nang gayong kahigpit, taun-taon.

ASAWA: Si Ali Cogia ang magpapasya niyon, hindi ikaw. Isa pa, hindi pepwedeng maging masarap ang mga olibo pagkatapos ng ganito kahabang panahon.

MANGANGALAKAL: (kumuha ng plato) Balak kong tikman sila, kahit paano.

ASAWA: (nang galit) Pinagtataksilan mo ang tiwalang ibinigay sa iyo ng iyong kaibigan! Hindi ako mananatili para masaksihan ito.

(Umalis siya sa silid. Tumawid ang Mangangalakal, at tinanggal niya ang takip mula sa banga.)

MANGANGALAKAL: (tumingin sa banga) Tama ang aking asawa--natatakpan ng amag ang mga olibo, pero baka mabuti pa ang mga nasa ilalim.

(Itiniwarik niya ang banga, at niyugyug niya palabas ang mga olibo. May ilang gintong piraso na nahulog.)

MANGANGALAKAL: Ano ito? Mga gintong piraso! Susmaryosep! Ginto! Ginto!

(Niyugyog niya ulit ang banga; may ulan ng mga gintong piraso na bumagsak.

MANGANGALAKAL: (Nahulog niya ang banga sa pagkagulat.) Hindi bababa sa isang libong piraso! Ang tuktok lang ng banga ang nilatagan ng mga olibo!

(Inilagay niya ang ginto sa kanyang mga bulsa.)

Mamayang gabi, kapag natutulog na ang aking asawa, pupunuin ko ang banga ng puro sariwang olibo, sapagkat ipinapakita ng mga ito na nagalaw na sila. At aayusin ko ang banga nang sa gayon walang makakaalam, maliban kay Ali Cogia mismo, na nagalaw sila.

Mga Dulang PambataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon