EKSENA I
PANAHON: isang umaga; 1484
LUGAR: isang kalye sa harap ng palasyo ni Haring Juan, Lisbon, Portugal. Ang tarangkahan sa bakuran ng palasyo ay sa nasa likuran.
CRISTOFORO COLOMBO
GURO NG ESKWELA
CARLOS
ROQUE
PANCHO
HARING JUAN
MGA KORTESANO
TAGAPAGPATAWA
RIVERRA, ISANG PANDAGAT NA KAPITAN
PORTERO
MGA BATA, MGA TAGAPAG-ALAGA NG KABAYO, MGA TAGAPAGSILBI
(Pasok sina CARLOS, ROQUE at PANCHO. Nagdadala sila ng mga pang-eskwelahang libro. May ingay na narinig sa bakuran.)
ROQUE: (tumigil; nakinig) May nangyayari sa bakuran ng Hari!
(Tumakbo siya papunta sa nakasarang tarangkahan; sumilip sa siwang.)
CARLOS: Halika, Roque, mahuhuli tayo sa eskwela.
ROQUE: (Ibinagsak niya ang mga libro.) Halikayo, tingnan ninyo! Inilalatag nila ang mga pulang karpet sa korte!
PANCHO: (Ibinagsak niya ang mga libro; sumilip siya.) Para sa Hari nila sila inilalatag!
CARLOS: Halika, magagalit ang guro.
ROQUE: Pero darating na ang Hari!
PANCHO: Maghintay tayo at tumingin, Carlos!
CARLOS: Hindi ako! Alam ko kung paano mamalo ang guro! Kahapon nahuli ako ng pasok sa eskwela.
PANCHO: Bakit ka nahuli?
CARLOS: Tumigil ako para panoorin ang baliw na Italyano, si Colombo.
(Lumakad siya; sumunod ang mga iba.)
ROQUE: Nakita ko siya isang beses!
PANCHO: Sana makita ko siya!
CARLOS: Ayun na siya! (Tumawag.) Ulol! Ulol!
ROQUE: Oo, ayun siya! (Tumawag.) Ulol! Ulol!
PANCHO: (tumawag) Ulol! Ulol!
(Pasok si COLOMBO, na kapita-pitagan at maginoo. May lipumpon ng MGA BATA na sumusunod.)
LAHAT NG MGA BATA: Ulol! Ulol! Ulol! Ulol!
(Pasok ang GURO NG ESKWELA, nagdadala ng pamalo.)
GURO: (nagwasiwas ng pamalo) Pumunta kayo sa eswela! Sa eskwela ngayon na!
(Tumakbo ang mga Bata sa pagkaalarma.)
GURO: (humarap nang galit kay Colombo) Itinuturo mo sa kanila ang iyong mga hangal na kuru-kuro, ginoo!
COLOMBO: (ngumiti) Gusto ko ng pagkakataon para magawa iyon, guro.
GURO: Ah, kung gayon ginawa mo nga! Nakita ko silang lahat sa paligid mo!
COLOMBO: Wala akong itinuro sa kanila, guro,--sa pagkakataong ito.
GURO: Mabuti para sa iyo, ginoo, na hindi mo ginawa. Ang mundo ay patag, ginoo, patag! Hindi mo ba alam iyon, ginoo?
COLOMBO: Tinuruan ako nang gayon--
BINABASA MO ANG
Mga Dulang Pambata
Ficción GeneralSalin sa Tagalog ng unang libro ng Children's Classics in Dramatic Form ni Augusta Stevenson, na nasa public domain na ngayon. Naglalaman ito ng koleksyon ng mga klasikong kwento ni Aesop, ni Hans Christian Anderson, ng Brothers Grimm, at ng marami...