EKSENA I
PANAHON: noong unang panahon
LUGAR: sa bahay ng mahirap na Manunulid
ANG GINANG
ISABEL, ang kanyang anak na babae
PATAG-NA-PAA, isa sa Tatlong Tiya-sa-tuhod
NAKALAWLAW-NA-LABI, isa sa Tatlong Tiya-sa-tuhod
MALAPAD-NA-HINLALAKI, isa sa Tatlong Tiya-sa-tuhod
ANG REYNA
(Nakikita ang sala sa maliit na bahay ng Ginang. Ang GINANG at ang TATLONG TIYA-SA-TUHOD ay nagsusulid. Nakaupo si ISABEL sa kanyang ruwedang-panulid, pero tumigil sa trabaho at tumingin palabas ng bukas na pinto.)
GINANG: (nang matulis) Isabel! Tumititig ka sa labas!
ISABEL: (tumango) Sa malalaking punong iyon, ina. Ang gaganda nila! Para silang mga tanod na nakatayo sa ating pinto na nagbabantay sa atin!
PATAG-NA-PAA: (umangil) Anong kalokohan! Dapat nagsusulid ka.
ISABEL: (hindi umintindi) Ina, tingnan ninyo ang matandang punong iyon! Tingnan ninyo ang kanyang mapagmataas na pagtataas ng ulo sa langit! Iyon ang hari ng gubat!
NAKALAWLAW-NA-LABI: (umangil) Hindi pa ako nakakarinig ng ganyang kahangal na salita!
ISABEL: (hindi umintidi) Ina, may kantang dumating sa akin,--kanta iyon sa magagandang puno. Patigilin ninyo ako para isulat iyon, habang puno niyon ang aking puso.
MALAPAD-NA-HINLALAKI: (sa Ginang) huwag mong payagan iyon, kapatid na babae! Dapat siyang magtrabaho. Halos hindi nga siya makapagsulid.
GINANG: (nagpapakita ng malaking damdamin) Isabel! Isabel! Walang binibini sa nayon ang nag-iisip ng kahit ano kundi pagsusulid.
ISABEL: Ina, patigilin ninyo ako! Hindi magtatagal aalis sa akin ang kanta. Baka hindi ko na iyon marinig muli.
PATAG-NA-PAA: (sa Ginang) Kapatid na babae, dadalhan ka niya ng kahihiyan.
NAKALAWLAW-NA-LABI: Tinatawanan na nga siya ng mga taganayon!
MALAPAD-NA-HINLALAKI: (tumango) Oo! Tinatawag nila siyang "Tagapanaginip." Ako mismo ang nakarinig sa kanila.
ISABEL: Wala akong pakialam kung ano ang itinatawag nila sa akin!
GINANG: (nagtaas ng kanyang boses) Hindi, pero may pakialam ako. Hindi ko gustong maiba ka sa mga ibang tao.
NAKALAWLAW-NA-LABI: Tayo ay hindi kailanman nakitang tumititig sa mga puno!
MALAPAD-NA-HINLALAKI: (tumango) Oo! Tayo ay hindi nakarinig kailanman ng mga kanta sa loob natin!
BINABASA MO ANG
Mga Dulang Pambata
Fiction généraleSalin sa Tagalog ng unang libro ng Children's Classics in Dramatic Form ni Augusta Stevenson, na nasa public domain na ngayon. Naglalaman ito ng koleksyon ng mga klasikong kwento ni Aesop, ni Hans Christian Anderson, ng Brothers Grimm, at ng marami...