Ac's POV
Hay! Nakakainis naman tong katabi ko. Ang kulit! Sinabi ko na nga na ayaw ko makipagusap sa kanya eh tapos ang kulit parin.
"Sige na miss. Akin na number mo."
"Uy! Sige na."
"Please."
"Pwede ba. Nagtuturo si ma'am oh. Makinig ka nga. At isa pa, Ac pangalan ko hindi miss."- ako
"Edi Ac. Sige na kasi. Saan nalang bahay mo? Puntahan kita."- siya
"Hoy kuya. Una sa lahat hindi ko alam pangalan mo. Pangalawa ayaw kong pinupuntahan ako sa bahay at Pangatlo wag mo akong kulitin." sabi ko sakanya. Hay! Bwisit.
"Ako nga pala si Kite Lockser. Oh ayan na. Alam mo na ang pangalan ko"- siya
"Ms. Blythe Mr. Lockser, Pay attention."- ma'am
"Ito po kasing katabi ko eh. Ang kulit."- ako
"Ako? Hindi kaya." painosente nyang sagot. Napatayo naman naman ako bigla.
"ANONG HINDI?! HUH?! PAINOSENTE KA PA EH NOH!!!" sigaw ko sakanya. tumayo din sya.
"HINDI NAMAN KASI TALAGA!!!" sigaw nya sakin.
"PAY ATTENTION!!!" sigaw samin ni ma'am. Napayuko naman kami at nagsorry. Pinaupo naman kami kaagad ni ma'am.
"Ikaw kasi eh." pangsisisi ko sa kanya.
"Anong ako?" pagtatanggol nya sa sarili nya. Inirapan ko nalang sya at tumingin na kay ma'am.
"Next week may group activity tayo. Bahala na kayo kung ilan kayo. Ang kailanga nyo lang gawin ay bumuo ng dream house nyo. Use your imaginaton. Next week yun ipapasa .Okay class dismiss." sabi ni ma'am at lumabas ng classroom.
"Kite! tara na!" pagyaya sakanya ng mga kaibigan nya. Tumango naman sya. Maya maya bumulong sya sa akin.
"Ac mamaya nalang." bulong nya sabay kindat.
O.O Ang cute nung kumindat sya. Ang sexy pa nung pagkakasabi nya nung bumulong sya. Bakit ko ba yun nasabi? Erase erase >_< Hindi pala sya cute. Oo tama! Hindi nga.
"Ac tulala ka nanaman. Halika na." sabi ni Jaycee.
"Ito na nga eh." sabi ko at tumayo na. Papunta na kami ngayon sa canteen. Maaga kasi vacant namin. Bale dalawa vacant namin. Pagkadating namin sa canteen may nakaupo sa favorite table namin. Di nila napansin yun dahil umorder muna kami. Nung nakaorder na kami pumunta na kami sa table namin. Nagulat naman sila dahil may nakaupo. Ughh! sila na naman.
"Tabi."Utos ni Angeli.
"At bakit kami tatabi?" Maangas na tanong ni Nathan.
"Upuan at lamesa namin yan." sabi ni angeli.
"Hanapin nyo nga kung may pangalan sila dito." utos ni nathan sa mga kasama nya.
"Wala." sabay sabay nilang sagot.
"Oh. Wala naman pala eh." sagot ni nathan sabay ngisi.
"Tawagin nyo nga yung guidance councilor. Itanong natin kung sino ang MAY-ARI ng school na toh." sabi ni angeli na pinagdidiinan ang salitang may ari. Tinawag naman kaagad ni Jaycee yung GC (Guidance Councilor). Pagdating nung GC ay nagtanong sya kaagad.
"Is there any problem Ms. Dela Cruz?"- GC
"Don't they know that we own this school?" bored na tanong ni leslie.
"Sorry. Di ko sila nasabihan." sabi nung GC. "Sila ang may-ari ng school na toh. Dyan sila palagi nakaupo." sabi nung GC. Nag isip muna sila bago sumagot.
"Okay. Hindi ba pwedeng share?" tanong ni nathan.
"MALAMANG HINDI! KAYA NGA KAYO PINAPAALIS DIBA! COMMON SENSE!!!" sigaw sakanya ni Angeli.
"OO NA! HINDI MO KAILANGAN SUMIGAW!!!" saigaw ni nathan at tumayo . Tumayo din silang lahat at umalis na.
"AALIS KARIN NAMAN PALA EH! PINATAGAL MO PA!!!" sigaw ni angeli at umupo na. Umupo na din kaming lahat. Naririnig ko naman na bumulong si Angeli.
"Bwisit sya akala nya gwapo sya." bulong nya
"Gwapo sana eh kaso lang ang sama ng ugali. May araw din sya sakin." bulong nya ulit
"Kung mangkukulam lang ako matagal ko na syang kinulam." bulong nya ulit. Napangiti naman ako. Ang cute ni Angeli.
"Bakit ka nakangiti Ac? Baliw ka na ba?" tanong ni sofie.
"Wala. May iniisip lang ako." sagot ko.
YOU ARE READING
THE BAD GIRLS
FanfictionHi! Kami nga pala ang The Bad Girls. Bakit? May angal kayo? Basagin ko mukha nyo dyan eh. Okay seryoso na. Ako si Leslie Mendoza. Certified as a bad girl. Iniwan nya ako kaya ako nagkaganito. Pinsan ko si Angeli. Kaibigan namin sila Jaycee,Sofie,Ac...