Third Person POV
"Mahal kita okay! Mahal kita cassie. Hayaan mo muna kasi akong magpaliwanag!"- harry
"Tama na. Pagod na ako. Nagpakatanga na ako nung una at hindi ko na yon uulitin. Nakakasawa nang magpakatanga. Kaya habang maaga pa pipigilan ko na yung nararamdaman ko." sabi ni cassie at umalis na.
'Gagawin ko ang lahat para lang makuha ka. Kung kinakailangan kong pagselosin ka gagawin ko para lang mapasakin ka cassie.' sa isip isip ni harry.
Sofie's POV
GHAD! di parin kami nakakamove-on dun sa scene kanina. sigurado ako mamaya chismisan nanaman ang mga chismosa. Nako pagmay narinig lang talaga ako pagbubuhulin ko silang lahat. Maya maya narinig kong nagtatalo si angeli at nathan.
"Hoy ikaw lalaki. Subukan mong makichismis dyan at masasapok talaga kita."- angeli
"Oo na bigwasan kita jan eh." bulong ni nathan na narinig ni angeli.
"Ano? Pakiulit nga." sabi ni angeli at piningot ang kanang tenga ni nathan.
"Aray! Wala naman --- Aray --- Akong --- Aray --- Sinasabi eh."- nathan. Tumigil naman si angeli
"Akala ko meron eh."- angeli
"Wala naman talaga eh bigwasan talaga kita jan." bulong ulit ni nathan na narinig ni angeli.
"Ulitin mo nga hindi ko narinig." sabi ni angeli at piningot ang kanang tenga ni nathan
"Wala --- Aray --- Akong --- Sinabi."- nathan. Tumigil ulit si angeli
"Akala ko meron nanaman eh."- angeli
"Akala mo lang yun. Bigwasan talaga kita jan eh." bulong ni nathan na narinig nanaman ni angeli
"Pakiulit nga." sabi ni angeli at Piningot ang kanang tenga ni nathan.
"Aray! Sa kaliwa naman!"- nathan.
"Ah. Sa kaliwa." sabi ni angeli at piningot ang kaliwang tenga ni nathan.
"Aray --- Sorry --- Aray --- Na po --- Aray --- Boss."- nathan. Tumigil naman si angeli.
"Isa pa talaga."- angeli. Napangiti ako. Hay kahit kailan talaga aso't pusa yang dalawang yan. Ma fa-fall din yan.Nang matapos ang lahat ng klase namin ay nagpasama si leslie sa mall.
"Sofie. Can you come with me to the mall?"- Leslie
"Sige."-ako. Pinauna na namin sila Ac, Cassie, Angeli at Jaycee. Sumakay na kami sa kotse amin at umalis na. Nang makarating kami sa mall ay agad kaming pumunta sa salon para magpagupit. Umupo na si leslie sa swivel chair at sinimulan na syang gupitan. Maya maya ay natapos na kami.
"Oh ayan tapos na po madam."- staff
"Thank you." sabi ni leslie at nagbayad. Pagkatapos magpagupit, Bumili kami ng damit. Pagkabili namin sinuot nya kaagad.
Pagkatapos nun ay sinamahan ko naman sya sa gesigner namin. Yung nagtahi ng dress namin. Pagkadating namin don pumasok na kami sa private dressing room.
"Ano naman kailangan nyo?"- erica
"naneun nae ma-eum-eul bakkunda." - leslie (I change my mind)
"Huh? magtagalog ka nga."- erica
"I said I change my mind. I want a violet ball gown."- leslie
"Anak ng tinapa naman talaga oh. Nasimulan ko na yung gown mo."- erica
"Just change it. Ill pay don't worry."- leslie
"Mahirap kaya magtahi. Nakakahagard ng beauty."- erica
"machi ne aleumdaun."- leslie ( As if your beautiful )
"Ano? may sinasabi ka?"- erica
"Nothing."- leslie
"Akala ko meron eh."- erica
" Change it wether you like it or not."- sabi ni leslie at umalis na. Sumunod namna ako sa kanya. Pumunta na kami sa parking lot. Sumakay na kami sa kotse at umalis.
YOU ARE READING
THE BAD GIRLS
FanfictionHi! Kami nga pala ang The Bad Girls. Bakit? May angal kayo? Basagin ko mukha nyo dyan eh. Okay seryoso na. Ako si Leslie Mendoza. Certified as a bad girl. Iniwan nya ako kaya ako nagkaganito. Pinsan ko si Angeli. Kaibigan namin sila Jaycee,Sofie,Ac...