Chapter 9 - Stains

24 1 0
                                    

Vince POV

Nandito kami ngayon sa national bookstore para bumili ng mga gagamitin sa project. May hinahanap ako ngayon na libro. Yun yung paborito kong basahin nung bata pa ako. Kasama ko pa magbasa nun si lily, si nathan at si jelay. Kababata namin sila. Kami palaging magkakasama. Kaya lang umalis si lily at jelay kaya kami nalang ni nathan ang naiwan.

Maya maya nahanap ko na yung libro. kukunin ko na sana pero may kamay na humawak dun. Dahil malapit na ako sa dulo umabante ako. Umabante din yung humawak dun sa libro. Pagkatingin ko........

tss. siya na naman.

"You again? Until here?" tanong nya.

"Oo bakit? May angal ka?" nakangising sagot.

"Are you following us?" tanong ni leslie.

"Paulit ulit yang tanong mo pero paulit ulit din ang sagot ko. Hindi."- ako

"Tss. Jerk. Give this to me." sabi nya sabay agaw sa libro.

"no. Akin toh ako nauna dito." sabi ko sabay agaw sa libro.

"It's Mine!" sabi nya sabay agaw ulit sa libro.

"Akin toh." sabi ko ulit sabay agaw sa libro.

"Ibibigay mo sakin o ibibigay mo sakin." sabi nya sabay tinitigan ako ng masama. Yung para bang I - will - kill - you - now look. Natakot ako kaya binigay ko nalang. Hoy hindi ako duwag ha! Nakakatakot lang talaga yung titig. 

"Ibibigay mo din naman pala eh." sabi nya sabay talikod. Pag talikod nya may nakita akong dugo sa jeans nya. Shit! Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Nagulat naman sila sa ginawa ko.

"What are you doing?" pagalit nyang bulong sakin.

"You have stains." sabi ko sa kanya. Nanlaki naman mata nya. Pinagtitinginan naman nila kami. Maya maya bigla silang naghiyawan.

"Ayieeeee~" hiyaw nila.

"Ikaw vince ha. Kapatid mo ako pero hindi mo sinabing may SOMETHING kayo ni leslie." pang aasar ni nathan

"shut up nathan." sabi ni leslie.

"True cousin. Wala kang nababanggit sakin." pang aasar ni angeli. Maya maya kumanta si sofie.

"Pag ibig na kaya ah~ Pareho ang nadarama ito ba ang sinimulan~" sabi ni sofie pero halatang inaasar nya kami.

"Nakamove on ka na pala kay I--" di na natuloy ni jaycee yung sasabihin nya kasi sumigaw si leslie.

"I SAID SHUT THE FUCK UP!!!" sigaw ni leslie sa kanila. Natahimik naman sila. Sini kaya yung I? Kumalas sya sa yakap ko. Tinanggal nya yung jacket nya at kaagad pinulupot sa bewang nya.

"Wait for me here. I'm just going to the drugstore." mahinahon nyang salita sabay walk out. Nag taka naman sila kung bakit sya pupunta sa drugstore.

"Vince. Bakit sya pupunta sa drugstore?" tanong ni angeli.

"Ewan ko din eh." pag sisinungaling ko. Mabuti nang hindi nila alam. Baka bugbugin ako kapag sinabi ko eh. Hihi ^_^

~*~  

Nandito kami ngayon sa may cashier. Binabayaran namin yung mga pinamili namin. Nakabalik narin pala si leslie. Buti nalang may extra syang damit. Pagkatapos namin bayaran lahat sumakay na kami sa kotse namin at umalis na. Male late na rin kasi kami.

Pagdating sa school, walang pinag bago. Tinitilian parin kami. Maya maya may tumili samin.

"I LOVE YOU NATHAN!"

"YOUR MINE JAMES!"

"HOW TO BE YOUR'S VINCE!"

"WE LOVE YOU BABY KITE!" 

"OPPA HARRY!"

"KYAAAAAA LUCAS!"

Yan ang isa sa nga tili nila samin. Eh sa wala kaming magagawa. Tss. Pogi eh ^_^ Maya maya nakarating na kami sa room. Iniwan muna namin sa kotse yung mga pinamili namin. Pagkadating ko sa room nandun na sila maliban kay leslie. Umupo nalang ako sa upuan ko.

"Okay. class, sa music room muna tayo ngayon dahil kakanta kayo isa isa. Ganun parin naman ang seats. Okay. Tumayo na kayo." sabi ni ma'am. Nag bulungan naman silang lahat. Kakaupo ko palang tapos tatayo ulit? Tsk. Tumayo nalang ako. Maya maya nakarating din kami.

"Where is your seat mate Mr. Standford?" tanong ni ma'am.

"Wala pa po ma'am." sagot ko.

"Kayo ang huling kakanta okay. You may now start Ms. Ac Blythe." sabi ni ma'am. 

THE BAD GIRLSWhere stories live. Discover now