Anna POV-
Habang buhat ako ni ritchie nakita ko ang pag aalala nya sa kanyang mukha at halatang napilitan lamang sya na iwanan si alex sa ganoong sitwasyon
Mabilis kaming nakalampas dahil sa paghinto nang pagbagsak nang pader na kisame sa tulong narin ni alex
Hanggang kailan nya kayang pigilan ang pwersa upang hindi sya maipit nang mga batong iyon?
"Ahhhhggghhh.."
Alingawngaw na nagmumula sa madilim na daanan kung saan naroon si alex napansin ko rin na unti unting bumababa ang kisame nang daanan iyon
Pinagmasdan ko ang lugar na aming pinaglabasan isang kwarto lang iyon walang anumang bintana o pintuan na pasukan
"Anna tignan mo itong nakita ko"
tawag sakin ni ritchieMula sa kanyang harapan isang pihitan ang naroon
Gawa ito sa isang kahoy at ito ay naka-pwesto na pababa kung itataas ba namin yun ay muling aangat ang kisame sa may daanan
Biglang umingay ang bato at ang laki nang binagsak nito sa palagay ko ay di narin nya iyon matatagalan pa
"Itataas ko na ang pihitan nato"
wika ni ritchieTumango ako sa kanya bilang pagsang-ayon sa kanyan
Dahan dahan nyang itinaas ang pihitan hanggang sumagad na ito sa taas
Pinapakiramdaman namin ang mga susunod na mangyayari sa isang tahimik na kwarto kung saan dinig namin ang bawat tibok nang aming puso
Biglang tumigil ang pagbagsak nang itaas na bahagi nang pader
Natuwa kami at nakahinga nang maluwag nang biglang bumukas ang sahig na aming kinatatayuan
At tuluyan kaming bumagsak sa isang malalim na butas
"Ahhhhhhhh"
"Wahhhhhhh"
Mga sigaw naming habang tuloy tuloy na bumabagsak
Ano meron sa ilalim nang butas na iyon?
Alex POV-
Nawala ang kabigatan na nararamdaman ko
Huminto na ang pader mula sa kanyang pagbagsak masaya akong nakahanap nang paraan ang aking mga kaibigan upang mapatigil ito
Mabuti pang simulan ko nang lumabas bago pa man ulit na bumagsak ang pader
Payuko akong lumabas nang mahabang landas
Ngunit paglabas ko ay walang anna at ritchie ang sumalubong sa akin
"Anna"
"Ritchie"
Malalakas na tawag ko sa kanila ngunit wala akong sagot na nakuha
Nilibot ko ang mata ko sa buong silid walang pintuan na naroon na pwede nilang daanan
Isang pihitan ang aking nakita nakataas ang bahagi nito marahil ay ito ang ginamit nila upang mapahinto ang pader
Sinubukan kong ibaba ang pihitan bumagsak ang pader na aking dinaanan kanina lamang
Pagkaraan bumagsak ang pader ay biglang bumukas ang isang lagusan
Nasaan na kaya sila?
Lumakad ako papasok sa bumukas na daanan at nagpatuloy sa paghahanap papunta sa trono nang hari
Sa likod nang bumukas na daanan lumantad ang isang mahabang hagdanan pataas
Sa haba nang hagdanan ay hindi ko na matanaw kung ano ang naroon sa itaas
Ano ang meron sa dulo nang mga hagdan isa lamang ang paraan upang malaman
Inumpisahan ko nang akyatin ang mahabang hagdan
Umaasa akong sana ay walang nagyaring masama kay anna at ritchie
Di ko na mabilang yung nakaka-ilang hakbang naba ako sa haba nang paikot na hagdanang iyon
Hanggang sa wakas ay nakarating na ko sa hanganan nito isang malaking bintana natanaw ko mula sa ibaba ang mga naglalabang mga kawal mula sa magka-ibang lahi
Nagulat ako nang biglang sumulpot ang isang bakunawa mula sa himpapawid
Napaupo ako sa bigla
"BAKU?"
BINABASA MO ANG
ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)
AbenteuerMga lumang pamamaraan at mga sikretong kaalaman ng pangagamot. Ang mga di pangkaraniwang sakit Mga nakulam at nabarang Sinaniban ng masasamang ispiritu at mga na engkanto Mga karamdaman na hindi kayang ipaliwanag at hindi kayang lunasan ng mga ordi...