Chapter 21. Ang Pagpaparamdam

2.8K 118 1
                                    

Madilim na nang nakarating ako sa aming tahanan sa malolos

Ang mahabang paglalakbay pauwi sa lugar kung saan ako lumaki at natuto ng napakaraming bagay

Mga karanasan ng aking munting kabataan na parang kahapon lamang nanyari

Tulad ng dati napakatamik ng paligid malayo sa ingay at tanging mga kaluskos ng dahon at ng insekto ang iyo lamang mapapakingan

Marahan ako lumakad papalapit sa pintuan marahan kong binuksan at
nangibabaw ang ingay na mula sa kahoy nito na may kalumaan na

Wala naman nagbago sa bahay ganon parin ito ng aking iwanan maliban lamang sa mga agiw at mga alikabok na namuo dahil sa matagal na walang nakakapaglinis dito

Meron pa palang nagbago wala na ang tanging kasama ko sa bahay na ito di na sya babalik nalulungkot akong isipin na wala na ang aking lolo

Nagtungo ako sa aking kwarto at naupo mula sa isang sulod habang nakasandal sa kahoy na dingding

Tinakpan ko ang aking mata naiiyak na naman ako di ko mapigilan masakit at di ko parin pala masyadong tanggap

Nagpatuloy lang ako sa pag iyak hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako

Isang tinig lamang ang gumising sa aking pagkakatulog

GISING NA APO UMAGA NA...

Ang boses na yon ay sa aking lolo at ginigising na ako gaya ng dati nang nabubuhay pa sya dahil sa di ako maaga magising ay lagi nya ako pinupuntahan sa kwarto at ginigising

Mabilis akong nagdilat ng aking mata nasilaw ako sa liwanag mula sa sinag ng araw na pumasok sa bintana ng aking kwarto

Lo?

Pupungas pungas pa ako at kinuskos ang aking mata natanaw ko ang aking lolo na lumabas sa aking kwarto

Nagbangon ako at sinundan ito nakita ko syang pumasok sa kwarto sa may aklatan

Sumunod ako at pumasok din ako sa kwartong iyon pero...

Wala na sya roon..

Minumulto ba ako O namamalik mata...???

Bakit sya nagparamdam sa akin...

Natanaw ko sa may sahig na may isang libro pinulot ko iyon

Nabasa ko na ang lahat ng librong naroon pero ngayon ko lang yata nakita ang maliit na aklat na ito

Ang pamagat ng libro

"ORASYON"

Nasabik akong basahin yon at pagbukas ko laging gulat ko nang kahit isang pahina ay walang nakasulat rito

Isang blangkong libro...

Maaring nagparamdam ang aking lolo upang maibigay ang libro na ito ngunit ano naman gagawin ko sa librong blangko

binulsa ko parin iyon

Siguroy may kinalaman ito sa aking pagpunta sa pulong gubat

matapos kong maihanda ang lahat ay maaga na akong umalis tanghali na nang makarating ako sa pulong gubat

Mula sa pangalan nito ay iba ang aking nakita walang gubat at wala rin pulo kundi mga palayan

Ang kanilang taniman na kulay luntian sa mga nakatanim na mga palay napakagandang pagmasadan at napakasarap ng simoy ng hangin..

Kailangan ko nang hanapin si anna sana ganon lang yon kadali...

Sa dami ng residente dito siguradong mahihirapan ako...

Napatingin ako sa asul na kalangitan tutulungan mo naman ako diba lolo..

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon