Chapter 78. Ang Mangagamot?

1.9K 84 3
                                    

Mag-isang naglalakad si Al sa gitna nang madilim na kalangitan naghahanap sya nang taong maari nyang mapagtanungan

Isang babaeng nakabelo ang sa kanyang harapan ay dadaan

"Ah sandali lang po maari po bang magtanong?"

"Ano yun?"
mahinhin na sagot nang babae

"Alam nyo po ba kung saan may mangagamot?"

"Mangagamot ba sa bayan pa iyon malayo pa iyon mula rito"

"Ganon po ba maraming salamat po"

Malayo pa pala ang sinasabing mangagamot isang pampasadang tricycle ang kanyang pinara

"San punta mo?"
tanong sa kanya nang driver

"Sa ano po sa mangagamot"

"Sige sumakay kana"

Dali daling sumakay si Al sa sasakyan at mabilis na pinatakbo nang lalaki ang tricycle

"Bata bakit ba basa ka?"

"Ah mahaba pong kwento"

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa isang malaking gusali kung saan maraming tao ang nagsisipunta roon naisip ni Al na mahusay nga ang mangagamot na naroon

Pagkatapos makabayad ay naghanap si Al nang mapagbibihisan sinuot nya ang paborito nyang kulay pulang damit at maong na shorts

Papahakbang na sya papasok nang gusali nang pagbuksan sya nang gwardya maayos ang kasuotan nito at may sukbit na isang malaki at mahabang baril

Nakita nya ang maraming tao sa loob nang gusali natuon ang pansin nya sa mga babaeng nakasuot nang kulay puting damit

"Maari po bang magtanong?"

"Ano yun?"
tugon sa kanya nang matabang babae na nakasuot nang kulay puting damit

"Meron po bang mangagamot rito"

"Meron kung gusto ko syang makausap eto ang numero mo pag tinawag ang numero mo maari kanang pumasok para makita ang mangagamot"

Naguguluhan man si Al tinangap nya ang numerong binigay sa kanya na nakasulat sa isang piraso nang papel ang numerong nakasulat ay 90

"Sige bata maupo ka muna para hindi ka mangawit sa paghihintay"
wika parin nang kanyang kausap na babae

Naupo si Al napansin nyang masyadong mahirap makita ang sinasabing mangagamot at marami ang nangangailan sa kanya

"Number 78 pumasok na po kayo"
wika nang isang malaking mikropono sa itaas

Tumayo ang babaeng may hawak nang numero at pumasok sa isang pinto

"Kung gayon kailangan ko lamang na maghintay na tawagin ang aking numero"

"Number 79"
wika muli nang mikropono at syang pagtayo nang lalaking kanyang katabi

Matyagang naghintay si Al inaabangan nya na matawag ang kanyang numero

Mag aalas otso na nang gabi at malapit nang matawag ang numerong kanyang dala

Hanggang sa wakas ay natawag na ang kanyang numerong hawak

"Number 90"
boses mula sa mikropono

Dali daling tumayo si Al sabik syang makita ang mangagamot na pinipilahan nang lahat

Dahan dahan nyang binuksan ang pinto nakita nya ang isang lalaki na may tabing sa kanyang bunganga nakasuot din ito nang mahaba at kulay puting damit may nakasabit din sa kanyang leeg na kakaibang gamit namangha si Al inakala nya ang instrumentong iyon ay isang agimat

May kasama rin itong dalawang babae na nakasuot din nang puting damit

"Maupo ka!"

Sinunod ni Al at mabilis na umupo

"Ako nga pala si Dr. Alvarez ano nga pala ang maitutulong ko sa iyo? may nararamdaman kaba? may masakit ba sa iyo? sabihin mo nang magawan natin nang lunas"
sunod sunod na tanong ni Dr. Alvarez

"Di po ako ang aking ina po ang may sakit"

"Dapat sya ang dinala mo rito para matignan ko"

"Malayo pa po ang aking pinangalingan hindi narin po kayang magbyahe nang aking ina"

"Ganun ba ano ba ang karamdaman nang iyong ina?"

"Unti unti pong nagiging bato ang katawan nang aking ina"

Natigilan ang kausap na doktor ni Al nakita nya rin na pinipigilan nang dalawang babae ang kanilang pagtawa

"Bata hindi ito ang lugar para magbiro"

"Hindi po ako nagbibiro nalipat po sa aking ina ang sumpang kanyang tinanggal"

Hanggang tuluyan nang sumabog ang pinipigil na pagtawa nang dalawang babae gayundin ang doktor na kanyang kausap

"Nurse pakilabas na ang komedyanteng batang ito"

"Tayo na bata"
aya nang nurse kay Al

"Bakit ba totoo ang sinasabi ko bakita ayaw nyong maniwala nagiging bato ang aking ina"
nagsisigaw si Al at nagwawala tumulong narin ang guard para mabilis syang mailabas

Malungkot na naupo si Al sa labas nang pagamutan nagmukmok sya dahil ang mangagamot na kanyang inaasahan ay hindi sya pinakinggan

Hanggang makaramdam sya nang isang hagod mula sa kanyang likuran

"Ayos ka lang ba?"

Isang lalaki na may suot na asul na sumbrero na nasa edad dalawampu

Pinunasan ni Al ang kanyang luha at tumango ang lalaki

"Narinig ko ang iyong sinisigaw kanina nagiging bato ba talaga ang iyong ina"
wika nang lalaking nakasumbrero

"Bakit pagtatawanan mo rin ba ako totoo ang sinasabi ko"

"Naniniwala naman ako dapat hindi ka dito sa hospital nagpunta hindi sila naniniwala sa mga nakulam nabarang nasumpa o ano pang mga pambihira at kakaibang karamdaman bakit hindi ka pumunta  sa isang albularyong mangagamot sa may baryo don sa may gawing ilog"

"Ibig mong sabihin na may mangaggamot sa lugar na iyon"

"Oo sa katunayan ay magaling talaga sya lalo na sa mga kakaibang klase nang karamdaman ang pangalan nya ay andoy"

"Maraming salamat kuya"

"Sige walang anuman"

Walang sinayang na oras si Al at mabilis na tumawag nang masasakyan pabalik sa lugar kung saan una nyang pinuntahan para hanapin ang albularyong mangagamot na si Andoy

Masaya si Al na hindi ang lalaking nakasuot nang puting damit na tinatawag nilang doktor ang kanyang hanap nagkaroon muli sya nang panibagong pag-asa para makahanap nang lunas para sa kanyang mahal na ina.

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon