Chapter 89. Ang Tagapaslang Nang Aswang

1.9K 88 2
                                    

Ang karugtong nang kwento ni Alex na isinasalaysay nya sa kanyang anak

Isang lalaking pamilyar kay Alex ang lumabas sa pintuan at nang  maalala nya ito

"Manong ikaw nga maraming salamat po"

"Mabuti naman at nagising kana tatlong araw kading natutulog kataka taka lang na ang bilis maghilom nang sugat mo"

"Maraming salamat ulit ako po si Alex kayo ano pong pangalan nyo?"

"Ako si Isagani pero Gani nalang ang itawag mo sa akin hindi parin maalis sa isip ko ang nagyari ngayon lang ako nagkaroon nang ganoong karanasan"

"Kumusta na po ang ulo nyo?"

"Maayos na wala nang problema halika na at kumain"

Namangha si Alex sa malaking bahay ni Gani

"Ang laki po pala nang bahay nyo"
manghang sabi ni Alex

"Malaki nga wala naman akong kasama kaya naman napili kong tumira sa malolos mabuti pa don naroon ang mga kamag anak ko pamana lamang sa akin itong bahay nang aking ina"

"Mag-isa lamang po kayo sa buhay?"

"Oo eh maagang namatay ang aking asawa wala naman kaming naging anak umupo kana at kumain"

"Maraming salamat"

Habang kumakain sila ang agahan ay nagkausap silang dalawa

"Ano ba ang iyong balak?"

"Siguro aalamin ko muna kung maayos ang kalagayan nang aking asawa nagdadalang tao pa naman sya at labis akong nag-aalala"

"Mabuti yan kumain ka muna nang marami para may lakas"

"Ah yung tungkol nga pala sa dyip nyo na pinasabog ko"

"Wag mo nang intindihin yon bulok narin naman yun mapapalitan naman yun"

Pagkatapos nilang kumain

"Halika sasamahan na kitang bumalik"

"Ok po"

"Oh eto ang susi nang bahay kung wala kang mataguan o mapuntahan maari kang tumira dito sa bahay ko"
sabay abot nang susi ni Gani

"Bakit po napakabait nyo sa akin?"

"Gusto ko lang makatulong ganito lang siguro ako"

Matapos ang mahaba nilang byahe ay nakarating na sila sa baryo kung saan nakatira si Alex

"Oh paano hanggang dito nalang ako"
paalam ni Gani

"Maraming salamat po hindi ko nakakalimutan ang kabutihan nyo"

Mabilis na tinungo ni Alex ang kanilang tirahan nalungkot sya nang makita ang sunog na bahay nagkalat ang piraso nang mga naging uling na kahoy wasak wasak na sunog na bubungan gayundin ang iilang mga nasunog na kasangkapan

Nilapitan nya ang isang nakaumbok na lupa isang puntod naisip nya na inakala ni Anna na natamay sya nang gabing iyon

Tumakbo sa papunta nang kakahuyan at walang humpay ba tinawag ang pangalan ni Anna hanggang mapagod sya sa kakahanap ay hindi nya ito natagpuan

Naisip nya na posibleng nagbalik ito sa pulong gubat sa dati nitong tahanan kaya mabilis sya na nagtungo roon

Hindi nga sya nabigo natagpuan nya si Anna nagwawalis ito sa harapan nang bahay tatawagin nya sana ito nang maalala ang sinabi nang aswang nang gabing iyon

Na hahanapin sya nito at papatayin kung muli syang makikita ni Anna at magsasama muli hindi malayong matunton sya muli nang mga aswang at muling malagay ang buhay nang mahal nya sa peligro

Mula sa malayo tinitignan nya lamang si Anna hindi malaman ni Alex kung ano ang dapat nyang gawin

"Pasensya na Anna hindi pa ko maaring magpakita sayo may kailangan pa akong gawin sana lagi mong iingatan ang sarili mo"

Mabilis na nilisan ni Alex ang lugar at nagbalik sa angat

Nag-umpisa syang mangamot para makaipon nang pera

Iniba ang pangalan sa andoy at naging isang mangagamot at tagapaslang nang aswang

Sa lumipas na sampung taon walang syang ginawa kundi maghanap nang aswang at tapusin ito sinubukan nyang lipulin ang aswang sa buong bulacan hanggang wala nang natira sa mga ito

Inabot nang sampung taon ang pakikipaglaban nya kaya hindi nya alam kung paano haharap kay anna at kung paano ito maipapaliwanag

Kaya naghihintay lamang sya nang pagkakataon at takdang panahon para humarap sa kanyang mag-ina.

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon