Chapter 28. Ang Tunay Na Kapangyarihan Ng Orasyon

2.6K 116 7
                                    

Balak ko munang pakawalan si anna at putulin ang mga baging na nasa kanyang katawan pero masyadong delikado at ang taas ng kanyang kinalalagyan

Nag umpisa narin pagapangin ng tuod ang iba nya pang mga baging upang ako naman ang kanyang igapos

Kaya bawat baging na makalapit sa akin ay sya kong pinuputol

Nabubuo ulit ang nasira na parte

Mukhang mahihirapan ako sa isang ito

Gamit ang isa sa aking mga agimat ang liksi at talas ng pakiramdam

Naiwasan ko ang bawat baging

At nang tuluyan ng makalapit ay sinaksak ko ito sa kanyang katawan

Naging dahilan ito upang bumara ang aking ispada sa kanyang katawan

Hahaha.. Inutil walang magagawa yang ispada mo laban sa akin

Hoy ikaw pakawalan mo na sya at ako ang harapin mo

Wag kang mag alala pareho na kayong magiging pataba ng aking katawan

Di ko namalayan na nakapitan na ako nang mga baging at tuluyan narin napaluputan

Pahigpit ng pahigpit

Naiintindihan ko na kung bakit nawalan ng malay si anna

Agimat ng lakas pahiram mo sakin ang iyong kapangyarihan

Sa tulong nang agimat ay madali kong nakalas ang mga baging sa aking katawan

Pagkawala ko ay kumapit ako sa isa sa mga baging at tumalon ng malakas upang maabot si anna

Naabot ko sya at pinutol ang baging upang maibaba ko na sya

Binaba ko sya at tsaka ko tinangal ko ang mga baging sa kanyang katawan

Anna gising..

Unuga ko ang kanyang katawan mabuti na lamang at nagising na ito

Nananaginip ba ako?

Ahh.. hindi ito isang panaginip

Alex sa likuran mo

Nag umpisa na naman umatake ang tuod at balak na naman kaming hulihin

Gamit ang liksi ay nakalamit akong muli dito

Hinugot ko muna ang aking ispada at isinuksok sa kanyang lalagyan

Isang buong pwersyang suntok ang ginawa ko na nagpawasak at bumuo ng butas sa kanyang katawan

Ahh... Hangal ka magbabayad ka

Iba ang ngiti nito tila may binabalak

Gumapang ang mga baging at di ako ang puntirya nito si anna

Tumama kay anna ang isang baging dahilan upang maupo sya at malaglag ang kanyang mga gamit

Nalaglag din ang orasyon

Aatakin ulit sya nang maglabas ng kakahibang liwanag ang nasabing aklat

Dinapot ni anna ang aklat at tsaka tumayo

Huli na para takbuhan ang mga baging na tatama sa kanya

Binuklat ni anna ang mga pahina at sa may gawing unahan ay may mga maliliwanag na mga kasulatan doon

Unti unting umangat ang liwanag at pumunta sa kamay ni anna pumasok ang mga liwanag sa palad hanggang tuluyan mawala

Itinapat ni anna ang kanyang palad at itinutok sa mga baging na tatama sa kanya

Samantalang ang isang kamay nito ay nakahawak sa aklat

Mahiwagang libro ng mga orasyon
tahanan ng sinaunang mahika ng aking mga ninuno

Tora ( apoy)

Kamangha manghang may lumabas na isang napakalakas na apoy sapat ang init nung upang mapulbos ang mga baging sa kanyang harapan

Ngayon lamang ako nakakita ng taong marunong gumamit ng mahika

Nabigla rin ang tuod pero ang kamangha mangha dito ay di na muling tumubo ang masunoy na parte ng kanyang baging

Nakita mo bayon alex nakakagamit na ako ng mahika

Ang galing mo sabay ngiti dito

Lumapit si anna sakin at sa puno

At itinutok ang kanyang kamay sa tuod

Wag pakiusap wag mo kong sunugin
takot na takot na sabi ng tuod

May itatanong kami sayo may hinahanap kaming tao

Sabay pakita ko sa mga larawan ng aking ama at ina

Ang mga litratong niluma na nang panahon

Sa larawan ay masaya silang magkatabi naalala ko pa nang ibigay ito sa akin ni lolo at mula noon ay gusto ko na silang hanapin at makilala ng personal

Wala akong alam ngayon ko lang nakita yang mga nasa litrato pero may alam ako na makakatulong sa inyo.

Sino siguraduhin mong di mo kami lolokohin kundi susunugin din kita

Ah oo naman sa pusod ng gubat sundan nyo lamang ang daanan sa aking kaliwa at mararating nyo ang tahanan ng ermitanyong kuba

Ermitanyong kuba?
tanong ko dito

Oo sinasabing walang makakapantay sa talino ng kanyang taglay maaring matulungan nya kayo sa inyong inahanap

Maraming salamat pasensya narin dito sa butas na ginawa ko sa katawan mo pati narin sa nasunog mong baging..

Ayos lang tutubo din naman yan sa paglipas nang panahon

Pagkatapos magpaalam aa tuod ay sinundan na namin ang daanan papunta sa sinasabi nyang ermitanyong kuba.

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon