Chapter 05. Mga lambana

4K 168 2
                                    

Nagmamadali akong pumasok sa bahay upang ibalita sa lolo ko ang nanyari sa akin sa kakahuyan

Ang tungkol sa mga kakaibang elemento doon

Mga diwata at tikbalang sigurado magugulat sya sa mga ikwekwento ko

Pero nalibot ko na ang aming buong kabahayan pero di ko sya nakita

Malamang umalis ito para mangamot tulad ng nakasanayan

Nagpasya akong umupo sa may harap ng pintuan para pag dumating sya ay matanaw ko sya kagad

Ilang minuto ako naghintay

Ang minuto ay naging Oras

At ilan sandali pa ay lumubog na ang haring araw

Madilim na sa buong paligid kaya pumasok ako sa loob upang kumuha ng lampara

Dahil malayo kami sa kabayanan ay di uso sa amin ang elekrisidad

Habang palakad papasok ay nakatanaw ako ng dalawang alitaptap na papunta sa akin

Teka di naman alitaptap yon

Iba ang liwanag ng mga yon

Tinitigan ko pa ng mabuti

May mahabang makinang na buhok

Magaganda at may makukulay na nagniningning na kasuotan

Mga pakpak na animoy naglalabas ng mga nagliliwanag na pulbos

Isang boses ang nangusap sa akin

Ngayon ka lang ba nakakita ng lambana?

Lambana....!?

Oo wag kang mag alala mga kaibigan kami ng iyong lolo

Kaibigan daw sila ni lolo baka sakaling alam nila kung saan pumaroon ang aking lolo

Mga lambana pwede ba akong magtanong

Alam nyo ba kung saan nagpunta ang lolo ko?

Nagtinginan ang dalawang lambana

Pasensya na pero wala kaming alam madalas kasi kami sa kakahuyan at ngayon lang ulit namin naisipan dumalaw

Siguro ay hihintayin ko nalang sya maraming salamat mga lambana

Ako nga pala si Alex
Kayo anong pangalan nyo?

Ako si Lucy at sya naman ang kapatid ko si Lizy

Kinagagalak ko kayong makilala Mga munting lambana

Ako din sabi ni lucy

Syempre ako din singit naman ni lizy

Paalam na Alex...
sabay kaway ng kanilang mga kamay

At mabilis na lumipad patungo sa kakahuyan

Pumasok na ko dahil malalim na ang gabi ramdam ko narin ang lamig ng hangin na dumadampi sa aking mga braso at kamay

Sinara at kinandado ang bawat pintuan ng bahay gaya ng nakaugalian pag matutulog na kami

Pumasok na ko sa kwarto ko at nahiga

Di ako makatulog maraming mga bagay ang pumapasok sa ulo ko

Hinahawak at pinaglalaruan ang agimat na binigay sa akin

Pinapakiramdaman ko ang mga pintuan naghihintay ako na baka sakaling kumatok sya at umuwi kahit na may kalaliman na ang gabi

Tok... Tok... Tok...

Mga sunod sunod na katok ang aking narinig mula sa likuran ng bahay

Bakit sa likuran eh may pinto naman sa harapan ng aming bahay

Daliy dali akong pumunta sa pintuan sa likuran ng bahay

Walang tigil parin sa pagkatok ang aking naririnig

Lolo ikaw ba yan???

Wala itong naging tugon sa tanong ko masama na ang pakiramdam ko dito

Pero kung hindi ko bubuksan ay di ko malalaman

Bubuksan ko na sana ng biglang isang pamilyar na ingay ang aking narinig

Kabayo ungol ng kabayo yon...

Nakakaramdam ako ng nerbyos

Tikbalang walang duda

Tikbalang ang kumakatok

Anong kailangan mo?

Alam ko kung nasaan nagpunta ang iyong lolo...

Sabay ng isang mahabang ungol ng kabayo..

Magtitiwala ba ako sa tikbalang pero wala akong magagawa kundi alamin ang totoo hinawakan ko ang aking agimat at tinitigan ito

Kaya ko ito

At may tiwala ako sa sarili ko na magagawa ko ang anumang gustuhin ko basta maniwala lang ako..

Diba lolo yon ang mga itinuro mo sakin

Sabay hawak sa bukasan ng pinto...

At pabukas na pinihit.

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon