MARU POV-
Tinalasan ko ang aking pang-amoy at sa isang pihitan ako napunta hanggang dito na lamang ang amoy na pinang galingan
Nakababa ang pihitang kahoy na iyon kaya sinubukan kong itaas
Nakiramdam muna ako
Ilang saglit pa ay bumukas ang sahig at nahulog ako sa ilalim nito
Nag-anyong bakunawa ako para makalipad sa sobrang dilim nang butas ay hindi ko matanaw kung ano ba ang nasa dulo nito
Dahan dahan akong bumaba palalim nang palalim ang aking tinutungo
Nang biglang may sumulpot na isang mahabang kulay pulang bagay
Mabuti na lamang at naka-iwas ako dito
Hanggang makarating ako isang madilim na lugar may
Bumuga ako nang apoy para magkaroon nang liwanag ang paligid
Isang malaking palaka ang bumulaga sa akin
Sampung beses ang laki nito sa akin kahit isa na akong bakunawa ngayon pa lamang ako nakakita nang ganitong uri nang nilalang
Ang kulay dilaw na kulubot na balat ang malaking mata at ang nitong bunganga malaking bunganga
Muling bumukas ang kanyang malalaking bibig kasabay nang malakas na ingay at biglang lumabas ang mahaba nitong dila
Patuloy lang ito sa pagsubok na mahuli ako nang kanyang mahabang dila
Para akong isang langaw na pagkain nang palakang ito
Habang iniiwasan ko ang kanyang pag atake ay unti unti ko na itong nilalapitan
Pero nahuli ako nito at pinaluputan nang kanyang dila hinihila na ako nito papasok sa kanyang bibig
Mabuti na lamang at nag anyong tao ako para lumusot sa kanyang dila
At mabilis na umatras at bumalik sa pagiging bakunawa
"Ikaw"
Malaking boses na nangagaling sa higanteng palaka"Ikaw ikaw ba ang nagsalita?"
tanong ko sa kanya"Ako nga ano ang pakay mo sa akin?"
"May hinahanap ako dalawang nilalang at sa tingin ko dito sila napadpad"
"Kanina lamang may nakain akong dalawa na mahulog mula sa itaas"
"Ilabas mo sila"
"Ako si borbon tanging utos lamang nang hari ang aking susundin"
"Kung ganon wala na tayong dapat pagtaluhan pa tikman mo ang init nang apoy ko"
Bumuga ako nang malakas na apoy pero biglang tinapatan nito nang isang malakas na hangin natatalo ang aking apoy kaya mas nilakasan ko pa para matapatan ang hangin mula sa kanyang bunganga
ANNA POV-
"Anong nangyayari?"
wika koMay hangin na malakas na tumutulak sa malaking bato na aming tinutungtungan
Hanggang tuluyan na kaming liparin palabas nang hangin
Mabilis at malakas ang bawat bugso nang hangin
Hinawakan ko ang kamay ni ritchie samantalang si marcus naman ang hinahawakan ni ritchie
Sabay sabay kaming tinatangay hanggang makakita kami nang liwanag maaring iyon na ang labasan kaya kami ay nagalak
Pero biglang isang nakakapasong init ang bumungad sa amin dire-diretso kami sa lumiliyab na apoy
"Glacio"
Tinapatan ko nang yelo ang apoy nya ibinuhos ko na ang lahat nang aking kapangyarihan mawala lang ang apoy sa aming harapan
Hanggang tuluyang mawala ang apoy at tumama kami sa isang bakunawa sabay sabay kaming nabagsak sa sahig
Mahilo hilo pa ako nang makita ko sa aming harapan ang isang napakalaking palaka
"Wah yan ba si borbon"
"Di ako makapaniwala totoo ang sinasabi ni tanda"
wika ni ritchie"May pangalan ako tikbalang borbon muli na naman tayong nagtagpo ngayon sisiguraduhin kong matatalo na kita"
wika ni marcus na natutuwa sa kanyang pagkakalaya"Nasaan ang bakunawa?"
nasabi ko na hinahanap itoPero isang lalaking kulot na nakasuot nang long sleeve lang ang aking nakita
"Ako si maru ako ang bakunawa ito ang anyo kong tao kayo ba ang kaibigan ng aming prinsepe?"
nahihilo pa nitong sagot"Buhay si Alex"
Masaya kong sagot"Oo at pinahanap nya ako sa inyo pero di pa tayo dapat magsaya meron pa tayong malaking problema"
sabi ng maru"Marcus paanong nabuhay ka pa pero di bale na ngayon na lamang kita tatapusin"
sabi ni borbonKaming apat ay sabay sabay na tumayo sa harap ni borbon at nakahanda nang lumaban.
AUTHOR NOTE:
Please vote
update of the story is everyday!
kaya sana ay subaybayan nyoPlano ko na hanggang 100 chapters tong kwento kaya nasa halfway na sana suportahan nyo parin hanggang matapos
BINABASA MO ANG
ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)
AventuraMga lumang pamamaraan at mga sikretong kaalaman ng pangagamot. Ang mga di pangkaraniwang sakit Mga nakulam at nabarang Sinaniban ng masasamang ispiritu at mga na engkanto Mga karamdaman na hindi kayang ipaliwanag at hindi kayang lunasan ng mga ordi...