Pinunasan ni Al ang mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata at nagseryosong tumitig sa mata ni Alias
"Wag mo naman akong tignan nang ganyan nakakatakot kaya"
wika ni AliasSeryoso parin itong nakatitig kay Alias at hindi man lang ito nagawang pumikit
"Nakakatakot ang batang ito ngayon lamang ako kinabahan nang ganito"
ganito ang tumatakbo sa ulo ni alias habang tinitignan sya ni AlNag-umpisa nang maglakad papalapit ni Al
Kinuha ni Alias ang buhok ni Alex na kanyang hawak at inumpisahang dasalan ito
Pagkatapos bulungan ay inihagis nya ito at nasunog sa hangin at naglaho
Napansin ni Al ang kanyang nakahigang ama unti unting nagiging bato ang talampakan nito
"Anong ginawa mo sa aking ama"
"Nilagyan ko lamang sya nang sumpa magiging bato ang buong katawan nya sa loob nang sampung minuto kung nais mo syang mailigtas kailangan mo akong matalo sa loob lamang nang maikling oras ang oras ay unti unti nang lumalakad kung ako sayo magsimula kanang sumugod"
Mabilis na sumugod si Al pero nang sa kumpas ni Alias ay namatay lahat nang kandila sa buong paligid at tanging kadiliman ang maaninag
"Ano na bata wala ka namang nakikita kung ako sayo umiyak ka nalang"
pang-aasar ni AliasSa isang madilim na paligid ay hindi na bago kay Al tuwing nangangaso sya at inaabutan nang dilim ay nahuhuli nya parin kahit ang maliliit na ibon kahit hindi nya ito nakikita
Ang huni at kaluskos nito ay kanyang naririnig kaya alam nya kung saan ito lilipad at madali nyang mahuli
"Madali lang to basta pakiramdaman ko lang mabuti gaya nang isang magaling na mangangaso anumang liksi at lakas nang kanyang kalaban ay tiyak na mahuhuli"
Nag-umpisa nang marinig ni Al ang mga kaluskos at malinaw na nakikita nya sa kanyang utak ang lokasyon at kung ano ang ginagawa nito
Nang makita nyang ang kamay na aatakin sya ay iniwasan nya iyon at mabilis na gumanti nang atake malakas na sipa ang ibinigay nya at tumilapon ito kumalabog sa pader at bumagsak
Sa kumpas nang kamay ni Alias ay muling nagliwanag ang paligid hawak hawak nito ang kanyang tiyan na ininda ang atake ni Al
"Paanong tinamaan mo ako imposibleng makakita ka sa dilim"
takang sabi ni AliasSa isang kumpas ni Alias muli nyang tinangal ang ilaw sa buong silid
Muling pinakiramdaman ni Al ang lugar kung saan ito aatake
Narinig na naman ni Al ang kaluskos na nagmumula sa paa at sa kasuotan na gamit nya nakikita nya nang malinaw sa kanyang utak kung nasaan ang kanyang kalaban gamit lamang ang talas nang pandinig at pang-amoy
Ang mga katangian na unti unting natutuklasan ni Al habang sya ay lumalaki
Nakarinig si Al nang kakaibang tunog
Tunog nang isang mahabang sandata matinis ang tono nang tunog manipis at matalim isang ispada ang nasa isip ni Al
Sa paghampas nang espada umugong ang matinis nitong tunog mabilis ang galaw at hindi na sya nakagawa nang atake
Alam nya man kung saan mangagaling ang espada ay hindi nya ito maiwasan sa bilis nahiwa ang braso nya mabuti na lamang at daplis lang
Malaking problema ang sandata sa laban nila sa dilim.
BINABASA MO ANG
ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)
AdventureMga lumang pamamaraan at mga sikretong kaalaman ng pangagamot. Ang mga di pangkaraniwang sakit Mga nakulam at nabarang Sinaniban ng masasamang ispiritu at mga na engkanto Mga karamdaman na hindi kayang ipaliwanag at hindi kayang lunasan ng mga ordi...