Chapter 49. Heneral Marcus

2.1K 101 3
                                    

Alex POV-

Itulak ko na ang pintuan upang matanaw ko na kung ano ba ang nasa likuran non

Mga ingay na mula sa pumapalakpak na lalaki na naka-upo sa isang malaking upuan

"Magaling di ko akalain na malalagpasan mo ang espesyal na patibong ko sa inyo"
Wika nya sa akin

Ang nilalang na ito ay may malalaking mga kadenang na nakapalupot sa kanyang kamao

Maskulado ang katawan nito at puno nang bakas nang mga pinaglumaang sugat kakaiba rin ang anyo nito dahil narin siguro sa isang hikaw sa kanyang ilong

"Sino ka?"
tanong ko sa kanya

"Diba mas magandang magpakilala ka muna bago mo tinatanong ang iba"
Tumayo ito sa pagkakaupo higit na mas mataas sya sa akin nang may dalawang talampakan

"Ako si alex ang tatalo kay haydis"
matapang na sabi ko sa kanya

"Wag mo nga akong patawanin"
sumugod ito sa akin at sinuntok ako

Sinanga ko ang kanyang suntok ngunit sa lakas nya ay napaatras parin ako

"Ako nga pala si Maximus ang isa sa mga heneral nang palasyo"

Mukhang di basta magpapatalo ang isang ito mabuti narin ito upang masubukan kung gaano nga ba ako kalakas ngayon

Sinubukan kong kumilos nang mabilis

Sinuntok ako nito pero ang gaan nang aking katawan at ang bilis kong nakaiwas sa kanyang pag atake

Buong pwersa kong sinuntok ang sikmura nito

Pero parang hindi ito natinag kahit na walang anumang proteksyon ang kanyang katawan

Kaya kagad itong nakaganti hinampas ako nang kamay nya at direktang tinamaan sa aking mukha

Dumugo ang aking bibig pinunasan ko ito at humahanda muli sa pag atake

"Alam mo kasing kunat nang isang goma ang aking katawan kaya kahit anong lakas mo hindi yan tatalab sa akin hahaha"

"Kung ganon puputulin ko na lamang ang iyong katawan"

Hinawakan ko ang aking ispada hinugot ito mula sa kanyang suksukan

"Subukan natin kung gaano nga ba katalas ang iyong espada"
panghahamon ni maximus

Iwinasiwas ko ang aking ispada ngunit sinabayan ni maximus nang suntok ang aking atake

Nagtama ang aking ispada at ang kamao nya na nababalot nang malalaking bakal na kadena

Nagkislapan ang aming mga sandata sa pagkikiskis nang isat isa

Anna POV-

"Ahhh"
sigaw ko na parang napaso sa mga likidong nasa aming paanan

"Umakyat kayo kung ayaw nyong matulad sa mga bungong nariyan"

Mabilis kaming umakyat ni ritchie sa batong tinutungtungan nang matandang engkanto

Ngayon ko lamang napansin ang mga buto at mga bungo

"Delikado ang likidong yan nakakatunaw yan nang laman at nakakamatay pag natagalan ang pagkakababad"
paliwanag nya sa amin

"Tanda anong kailangan namin gawin para makalabas dito?"
tanong ni ritchie

"Ang totoo yan din ang pinag-iispin ko kung paano makalabas sa lugat na ito at tsaka hindi tanda ang pangalan ko marcus dati akong Heneral nang mga puting engkanto kaya igalang mo ako"

"Marcus kayo ang ama ni marco"

"Hmm kilala mo pala ang duwag kong anak hindi man lang sya marunong humawak nang sandata kaya tinanggal sya sa pagiging kapitan"
wika ni marcus

"Nagkakamali kayo si marco ay isang matapang at sya ay mahusay sa paggamit nang sandata sya ang kapitan nang mga puting engkanto"
paliwanag ni ritchie

"Kung gayon lumaking maayos ang aking anak mahabang panahon na ang lumipas nais ko syang makita"
maluha luha itong sabi

"Kung maghihintay tayo dito ay wala tayong magagawa mabuti pang humanap na tayo nang labasan sama kaba heneral marcus?"
wika ni ritchie

"Syempre naman tikbalang"

"May pangalan din ako RICHIE"
malakas na sigaw ni ritchie...

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon