Chapter 58. Mga Pagpapasya

2K 107 4
                                    

*Alex POV*

Habang naglalakad kami ay pinaliwanag ni anna ang ginawa nang lola nya para sa akin medyo nalungkot ako pero mukhang madaling natanggap ni anna ang sitwasyon at naging maayos ang lahat

Sa may labasan ay nakita namin si Maru duguan ang katawan nya at kita sa kanya ang hirap na paglalaban na kanyang pinagdaanan
Nakatayo ito at mabagal na naglalakad sa amin

"Maru!"

"Prinsepe anong nagyari sa inyo at naging anyong tao kayo"

"Mahabang kwento"

Hinawakan ko ang balikat ni maru at biglang nagliwanag ang aking mga kamay

Ang mga sugat mula sa kanyang katawan ay unti unting nawala at naghilom

Sa bigla ko ay napabitiw ako sa balikat ni maru at napatingin sa aking mga palad

Anong nagyari at nagkaroon ako nang kakayahang magpagaling

"Salamat prinsepe at pinagaling mo ako"

"Marahil ay nasalin din sayo ang kakayahan nang aking lola"
wika ni anna

Yung nalang nga ang nalalabing eksplanasyon sa lahat nang nagyayari

"Mabuti pa at sumakay na kayo sa akin"
sabi ni maru na nagbagong anyo at naging isang bakunawa

Sumakay kami ni anna sa likuran nito at mabilis na lumipad palabas nang kaharian

Pagkalabas namin nang palasyo ay bumungad sa amin ang lahat nang mga engkanto na aming kapanalig

Ang ilan sa mga pinuno nang pangkat ay naroon
Si Ritchie na kasama ang ilan nyang tauhan na tikbalang

Si Marco kasama ang isang matandang engkanto na para silang mag ama

Si Lexa na kumakaway at nagagalak sa tagumpay

Nalulungkot naman ako sa mga berdeng engkanto sa pagkawala ni gorta

Mula sa himpapawid isa dalawa tatlong mga bakunawa ang nagsidatingan

Nagbagong anyo ang isa si Baku at marahang lumalapit sa aming kinaroroonan

"Magaling maru"

"Salamat pinunong baku"

"Alex anong nagyari sa iyong anyo?"
takang tanong ni Baku

Sa harap nang lahat nang engkanto ay pinaliwanag ko ang nagyari at gusto ko rin magpahayag nang isang pasya para sa kaharian at para narin sa aking sarili

"Di ako nararapat na manirahan pa dito sa mundo nang mga engkanto akoy isang tao na lamang kaya sa mundo nang mga tao ako dapat manirahan"

Marami ang tumutol pero wala silang magawa kundi sundin ang kagustuhan ko

"Magtatalaga ako nang bagong hari na mamumuno sa inyong lahat alam kong magiging isa syang mabuting hari"

Natahimik ang lahat at inaantay ang aking anusyo kung sino ba ang aking itatalaga na bagong mamumuno sa kanila

"Baku ikaw na san ang bahala sa mundo nang mga engkanto at sana ay maging mabuti ka sa kanila"

"Makakaasa kayo mahal na prinsepe"

Sumag-ayon naman ang lahat sa aking kagustuhan at naghanda ang lahat para sa isang selebrasyon

Selebrasyon na umabot nang magdamag ang kasiyahan ay hindi matapos tapos

Kinabukasan sa hanganan nang dimensyon

Nakasakay na kami ni anna sa likod ni baku at kumakaway sa mga engkantong minsan naming nakasama

Unti unti kaming nilipad sa himpapawid palayo sa mundong aking pinangalingan

Huling sulyap bago kami tuluyan makalayo sa lugar na iyon

Masaya kaming nakamasid sa tanawin sa aming ibaba tila nililipad kami nang hangin sa mga ulap

"Anna ano ang iyong balak?"

Napatingin ito sa akin at tila napaisip

"Hindi ko pa alam baka bumalik na lamang ako sa pangagamot"

"Ganon ba"

"Eh ikaw ano ang iyong balak?
Balik na tanong sa akin ni anna

"Dahil wala na akong pamilya nais kong bumuo nang panibago kung papayag ka"

"Papayag saan?"
muling pagtataka nito

"Mahal kita anna kaya kung papayag ka gusto ko na tayo ay magsama na"

Tila nabigla ito sa aking mga sinabi at namula nang bahagya ang kanyang mga pisngi

"Ah Eh tutal wala narin naman akong pamilya may gusto rin naman ako sayo pumapayag na akong maging asawa mo"

"Talaga"
Masayang tugon ko

Ngiti lamang ang sinukli nya sa aking mga sinabi

"Pero sa isang kondisyon"
wika ni Anna

"KONDISYON?!"

Anong kundisyon kaya nais ni Anna?

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon