Chapter 74. Ang Tyanak

1.8K 95 4
                                    

Tumutulo ang malapot at nakakadiring likido mula sa bunganga nang tiyanak

Nakikipagbuno si Al lubhang malakas ang sanggol na halimaw pero higit na malakas si Al kaya gamit ang kamao nya ay sinuntok nya ito tumilapon ang tiyanak pero hindi ito nabuwal mabilis itong kumilos at nawala sa kanilang paningin

"Nasaan na sya?"
wika ni Ester

"Maging alisto nalang tayo!"
wika naman ni Al

Mabilis na tumatakbo si joan upang sundan ang batang tyanak

Ilang sandali lamang ay sigaw na ni joan ang kanilang narinig sa di kalayuan mabilis  nilang tinungo ang lugar kung saan nangaling ang sigawan

Naabutan nila si joan duguan na ang parteng balikat nito at pilit pinagtatangol ang sarili nya sa batang halimaw

"Bakit anak ko?"
Takang tanong ni Joan

"Wala kang silbing magulang kaya kakainin na lamang kita para magkaroon ka nang pakinabang"
wika nang tyanak

Mabilis na tinulungan ni Al at Ester si Joan sinipa ni Al ang tyanak at tumalsik muli lumipad ito at tumama sa isang mesa nasira ang mesa sa lakas nang pagkakatama

"Ayos lang po kayo"
alalang sabi ni Ester

"Bakit nyo ko tinulungan sa kabila nang kasamaan ko"

Umiling si Al

"Nakikita kong hindi kayo masamang tao umiral lang sa inyo ang pagiging magulang pero ang nilalang na iyon ay hindi na ang inyong anak"
wika ni Al

Bigla syang kinutusan ni Ester

"Ano naman nalalaman mo sa pagiging magulang"

"Aray Ester"

"Tama naman sya alam ko na noon pa pero papatayin nya daw kaming mag-asawa pag hindi namin sya dinalhan nang tao natatakot ako"
nanginginig na sabi ni joan

Nang lingunin nila ang tyanak ay wala na ito sa lugar na pinagtalsikan nito tanging naiwan dugo lamang ang natira

"Si Bob"
mabilis na tumakbo si Joan na sinundan naman ni Al at Ester

Mabilis silang nagpunta sa kwarto kung saan naroon si Bob at mahimbing na natutulog

"Bob gising"
pangigising ni Joan

Pero pagtangal nang tabing nitong kumot ay nasa ilalim nito ang tyanak at kinakain na ang lamang loob ni Bob

Nagulat si joan kaya kinuha nya ang isang vase sa gilid nya at hahampasin nya na ang tyanak nang nagbagong anyo ito at naging isang sanggol

"Hindi ko kaya"

Hindi kaya ni joan na hampasin nang vase ang sanggol kahit alam nya na isa itong halimaw mabilis na nagbagong anyo ito at naging tyanak muli kinagat nito ang mukha ni joan at mabilis na bumagsak sa sahig

Nanlaban pa ito ngunit nawalan din ito nang buhay umagos ang dugo sa buong kwarto

Mabilis na lumabas si Al at Ester dahil sila naman ang susugurin nang nang tyanak mabilis nilang sinara ang pintuan nang kwarto narinig pa nilang kumalabog ang pinto

"Anong gagawin natin Al?
tanong ni Ester

"Maliit ngunit maliksi ang ating kalaban ano pa alam ko na takbo"

Mabilis na tumakbo sila palabas nang bahay

"Yun naba ang plano mo?"

"Oo pag lumabas sya sa bahay ay wala na syang matataguan pa kaya madali na natin syang matatalo"

"Ngayon alam kona"

Pero ilang oras na ang lumipas ay wala parin tyanak nang lumabas mula sa kabahayan

"Mukhang matalino rin sya"
sabi ni Ester

"Oh eto kunin mo"
sabay abot ni Al sa nahanap nyang malaki at mahabang piraso nang kahoy

"Para san naman to"

"Nararamdaman ko na malapit na sya at nasa paligid na natin sya"

Dali daling kinuha ni Ester ang kahoy na pamalo at paikot ikot na nililibot ang mata nito

Biglang lumabas mula sa lupa ang tyanak nabigla si Ester at nahampas nya ito muli nya sana itong hahambalusin nang naging sanggol ito

"Ester ano pang ginagawa mo?"

"Hindi ko yata Al"

Biglang nagbagong Anyo ang tyanak at susungaban si Anna mabuti na lamang at naipagtangol sya ni Al

Gamit ang isang malaking bato at binato ni Al ang tyanak nasaktan ito at nagtago sa ilalim nang lupa

Muli na namang nag-aabang sina Ester at Al kung saan susulpot ang batang halimaw

Hindi nila inaasahan na masyadong mautak ang tyanak upang gamitin ang lupa para makapagtago

Itinapat ni Al ang tenga nya sa lupa pinakikingan kung saan lulusot ang ang tyanak narinig nya ang isang ingay na tila may hinuhukay

Inabangan nya ang paglitaw nito at sa tamang tyempo ay saktong nyang nahuli ang mailap na kalaban

Hinawakan nya ito nang buong higpit nagbagong anyo ito at naging sanggol upang magpa-awa

"Pasensya pero hindi mo ako maloloko paalam na"

Nagbagong anyo pa ito at tinangkang atakihin muli si Al pero sinuntok ni Al nang buong lakas ang mukha nito nawasak ang kalahati nang ulo nito

Binitawan ni Al ang katawan nang wala nang buhay na tyanak unti unting nalusaw ang katawan niyo at nilamon nang lupa

"Ang galing mo Al"
masayang sabi ni Ester

"Naawa ako sa mag-asawa gusto kong makilala ang itim na albularyo para naman hindi na sya gumawa nang ganitong klase nang halimaw"

Inabot nang umaga ang dalawa sa paghuhukay at paglilibing sa mag-asawa

"Sana matahimik na ang kaluluwa nila"
wika ni Ester

"Sana nga tayo na sabik na akong makauwi upang makita si ina"

"Sige tayo na sabik narin akong makilala sya masarap ba syang magluto"

"Oo naman mukha ka talagang pagkain"

"Anong sabi mo Al"

Hinabol ni Ester si Al at masaya silang naghabulan sa ilalim nang papasikat na araw.

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon