Mag uumpisa na ang palabas at puno na ang tanghalan ng ingay mula sa mga taong sabik makakita nang mga di pangkaraniwang nilalang
Ang ingay na umaabot hanggang sa ilalim na bahagi nang lugar kung saan naroon ang mga bihag kasama na si Al
Dumating ang isang lalaki at binuksan ang kulungan nang sirena
"Pakiusap wag ayoko tulungan nyo ako"
binitbit sya nang dalawang lalaki at idanala sa itaas na bahagi nang gusali
Isang malakas na salita na nangagaling sa isang mikropono ang umugong sa lugar
"Narito na at pagmasdan ninyo ang kalahating isda at kalahating tao isang sirena"
Kasabay nang mga hiyawan nang mga taong naroon may mga namangha natawa at ang ilan ay natakot
Samantalang takot na takot ang sirena sa lahat nang mga matang sa kanya ay nakatingin
Samantala binuksan nang lalaki ang kulungan kung saan naroon si Al hinatak nya si Al at mahigpit na sinakal sa kanyang leeg
Nabigla si Al at nasuntok ang lalaking sumasakal sa kanya bumulwak ang dugo sa bunganga nang lalaki at nagsilaglag ang mga ngipin nito sa sahig
Tuluyan itong bumagsak sa sahig at nahimatay nagulat naman ang isa nitong kasamahan sa nakita kaya tinutukan nya nang baril si Al
Napalingon si Al dito at tumatagaktak ang pawis nang lalaking may hawak nang baril
Kinuha ni Al nang mabilis ang baril
"Bakit mo ba itinututok ito sa akin ano ba ito?"
Ngayon lamang sya nakakita nang baril gawa ito sa bakal at may butas sa dulo nang isang maikling tubo
Itinutok nya ito sa lalaki at sa sobrang nerbyos nito at inatake ito sa puso at namatay
"Ganito pala gamitin to nakakamatay pag tinutok"
Kinapa ni Al ang bulsa nang isa sa mga lalaki at nakuha nya ang susi mula roon
Binuksan nya ang kandado ni kiko
"Halika na Al tumakas na tayo"
Pero hindi kumikilos si Al at tila nang iisip nakatingin lamang ito sa ibang kulungan
Lumapit sya sa kulungan nang tikbalang at sinubukan buksan ang kandado na naroon
"Tumakas na kayo wag nyo na akong alalahanin"
wika nang tikbalang sa kulungan"Hindi ililigtas ko kayo"
paninindigan ni Al"Salamat"
naiiyak na sabi ng tikbalangAt nang sa wakas ay tamang susi na ang nagamit ni Al ay unti unti nyang binuksan ang kulungan at pinalaya ang tikbalang
"Iligtas natin ang isdang babae sa itaas"
Pumayag naman si kiko at ang tikbalang sa gustong gawin ni Al
Dahan dahan silang umakyat pataas may isang bantay na naroon kaya hindi sila makatuloy
"Ipaubaya nyo na sa akin"
wika nang tikbalangMabilis na tumakbo ang tikbalang pasugod sa bantay at sinipa ito nang kanyang dalawang paa tumalsik sa lakas ang bantay at tumilapon sa labas
Nakita nang mga tao ang nakahandusay na katawan nang bantay nagkagulo ang mga tao
Mas lalong nataranta ang mga tao nang magpakita sina Al ang kapre na si Kiko at ang tikbalang nang sabay sabay
Nag unahang makalabas ang mga natarantang mga manunuod at lahat sila ay nagsisigawan nang malakas
Sa paglabas nang mga tao sya namang pagpasok nang mga bantay nang gusali lahat sila ay may mga mahahabang armas na baril
Napalibutan sina Al at ang kanyang mga kasama nang mga de baril na mga kaaway
Maya maya ay may lumalabas na isang mataba na pandak na lalaki may mahaba itong bigote at may kakatwang itsura
Puno nang mga gintong singsing at kwintas na palamuti na gawa sa ginto at dyamante
Nakasuot din ito nang isang magarang damit
Naglalakad ito palapit sa grupo ni Al humithit pa ito nang dala nyang tabako sabay ang isang malakas na pagbuga
"Sumuko na kayo o mamamatay kayo dito pumili kayo"
Hinatak ni Kiko ang kamay ni berto at iniangat ito bumagsak ang hawak nitong tabako
"Hindi mo ba alam na masama ang paninigarilyo"
wika ni kiko"Boss!"
sabi nang mga tauhan ni berto"Pag hindi nyo binitawan yang armas nyo kakainin ko ang taong ito"
pananakot ni Kiko"Ibaba nyo ang mga armas nyo"
takot na takot na utos ni Berto sa kanyang mga tauhanDahan dahan kumilos sina Al at lumabas sa pintuan binitbit nang tikbalang ang sirena at sabay sabay silang nagpunta sa nakaparadang sasakyan
"Paandarin mo ang bagay na ito"
utos ni kiko kay berto na kagad nya naman sinunodSi berto ang nagmamaneho ang tikbalang ang nagsisilbing tagabantay nito sa harapan nang sasakyan samantalang kaming tatlo ay sumakay sa may likuran
Mabilis na pina-andar ni berto ang kotse palabas nang peryahan
"Ayos ka lang ba?"
tanong ni Al sa sirenaNanghihina ang sirena at tila maputla na ang pagmumukha nito
Natuyo din ang kanyang balat na nagbabakbak ang ilan bahagi nito hanggang tuluyang mamamatay ang sirena
"Wala na sya Al"
wika ni kiko"Mga hangal kayo hindi nyo ba alam kung gaano kamahal ang ganyan uri"
Binunot ni Berto ang kanyang baril at walang awa na pinaputukan ang tikbalang sa ulo nito
Sumabog ang ulo nito at bumulwak ang napakaraming dugo
Nagpagewang gewang ang kotse at nalaglag sa isang matarik na bangin nagpaikot ikot ang sinasakyan nila at kasabay nang isang malakas na pagbagsak
Dahan dahan lumabas mula sa kotse si Al at kiko nahilo sila at mukhang wala naman silang matinding pinsala mga galos lamang sa katawan at braso
Ilang sandali pa ay lumabas si berto hawak nito ang isang maliit na baril
"Halika na"
sabi ni kikoSabay hawak sa kamay ni Al at mabilis na tumakbo sa may kakahuyan
Ang binagsakan nila ay isang malawak na kakahuyan karugtong ito nang iba pang mga kakahuyan
Habang patuloy na tumatakbo sila ay sunod sunod ang pagputok sa kanilang likuran
Nang biglang mapahinto si kiko at natigilan hinawakan nito ang kanyang likuran puno nang dugo at may isang butas na mula sa bala nang baril tumagos ito sa kanyang mga laman loob at tuluyan na syang nahandusay sa panghihina
"Iwanan mo na ako Al"
"Hindi kita iiwan"
Isang bagay ang naramdaman ni Al mula sa kanyang ulunan isang matigas na bagay si berto iyon na tutok tutok ang kanyang baril kay Al at handa nang kalabitin ang gatilyo
"Walang pwedeng makatakas sa akin lahat kayo ay mamamatay"
Kasabay nang isang malakas na halakhak na umugong sa buong paligid.
BINABASA MO ANG
ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)
DobrodružnéMga lumang pamamaraan at mga sikretong kaalaman ng pangagamot. Ang mga di pangkaraniwang sakit Mga nakulam at nabarang Sinaniban ng masasamang ispiritu at mga na engkanto Mga karamdaman na hindi kayang ipaliwanag at hindi kayang lunasan ng mga ordi...