Chapter 1: my new school

156 6 0
  • Dedicated kay Hannah Jemimah
                                    

     Trixie's POV

  Mahirap siguro kung bago ka sa school, Di mo alam o kabisado ang mga rooms at facilities nila, di mo rin kilala ang mga teachers o ang mga estudyante, at higit sa lahat hindi mo din alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan, di mo alam ang takbo ng isip nila, di mo alam kung sino ang mabait sa mapanganib ang masama sa mabuti ang tapat at ang traydor. Ako si Trixie Espiritu at ito ang di ko malilimutang

karanasan.........

" Ate malapit na ba tayo?" tanong ko sa ate kong si Jennifer habang nakaupo ako sa backseat at medyo kinakabahan, transferee kasi ako ng fourth year dito malapit sa bago naming nilipatan ni ate, malapit naman ang ospital na pinapasukan ni ate sa bago naming nilipatan kaya wala na masyadong abala.

" Trixie maghanda kana nandito na tayo "

Kinuha ko ang aking shoulder bag at lumingon sa bintana, napakaluma na ng school, tumingin ako sa taas Archangel Academy ito pala ang pangalan ng bago kong paaralan medyo luma at nakakatakot pero sobrang laki. Welcome po ! yan ang sabi sa akin ng guard ng school. Lumingon ako sa likod para tignan si ate pero pumasok na pala ito sa ng kotse. Wala akong ideya kung nasaan ang room ko mabuti na lang at may lumapit sa akin na teacher at inasikaso ako.

" Yes? Kaylangan mo ng tulong? " maaliwalas na tanong sakin ng mabait, may pagkamorena at magandang guro na nasa harapan ko.

" O-opo di ko po kasi mahanapang room ko " sagot ko sa kanya

" Sige tulungan na kita ako nga pala si Teacher Ramirez " pakilala niya sa akin at tinulungan niya ako makapasok ng room, medyo malayo - layo din ang nilakad namin bago nakarating sa room ko, nasa basement na kami napaatras ako nang marating namin ang room ko........ nakakatakot patay sindi ang ilaw

sa labas at puro agiw ang mga bintana

" Sige pasok ka na, pasensya na ha medyo madumi at patay sindi ang ilaw pero huwag kang mag-alala malapit na naming ipaayos yan sige pasok ka na " sabi sakin ni Teacher Ramirez 

" Sige po salamat " tugon ko sa kanya, binuksan ko ang pinto at pumasok ako, marami nang estudyante at nagtataka ako, napakatahimik kabaliktaran ito ng inaasahan ko, naghanap ako ng bakanteng upuan at mayroon akong nakita sa bandang likod, naupo ako doon at pinagmasdan sila, medyo nabasag ang katahimikan at nagkwentuhan sila napansin kong natanggal ang pagkakatali ng sintas ko at agad ko itong inayos, napansin kong may anino na tumakip sa akin at agad akong tumingala, isang maputi, gwapo, at mala - adonis na lalaki ang tumambad sa akin.

" Bago ka? " tanong nito sa akin at tumango ako bilang pagtugon

" Ako nga pala si Lawrence and you? "

" Trixie, Trixie Espiritu " pakilala ko, inabot niya ang kamay niya para makipag shakehands.

" Trix na lang ang itatawag ko sayo ha? "

" sige " sagot ko at tinanggap ang kanyang kamay para makipag shakehands, nginitian niya ako at lumabas ang mga magaganda niyang biloy

" May nakaupo na ba dyan sa tabi mo? " tanong niya sa akin at umiling bilang sagot dito

The School Tradition: The Shout of silenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon